^

True Confessions

Monay (156)

Ronnie M. Halos - Pilipino Star Ngayon

DAMANG-DAMA ni Joem sa binabasang sulat ng asawang si Cath ang matindi nitong pag­hanga kay Monay. Lalo nang lumalim ang kanilang pagkakaibigan on-line.

Ipinagpatuloy ni Joem ang pagbabasa sa sulat:

‘‘Kahit na pinagalitan si Monay ng kanyang mama at binalaan ito na huwag nang magbibigay ng monay sa ka­ibigang lalaki na walang ibang iba kundi ikaw, Joem, nagpatuloy pa rin si Monay. Palihim itong kumukuha ng monay sa mga tiklis sa loob ng panaderya. Kilala naman daw niya ang panadero na si Mang Atong at hina­hayaan siya nitong kumuha ng monay.

“Kaya sa buong taon ng kanilang huling taon sa high school, hindi pumalya si Monay sa pagbibigay ng monay sa ka­ibigan. Araw-araw, buong katapatan na binigyan ka ng monay, Joem.

“Pero mayroong isang pangyayari na labis na na­lungkot si Monay at hindi raw niya iyon malilimutan sa buong buhay niya.

“Ikinuwento ni Monay na noong graduation day nila, hindi ka niya pinansin Joem. Pinilit daw niya ang sarili na huwag kang pansinin. At iyon ay dahil sa matinding takot niya sa kanyang mama. Gustung-gusto ka raw niyang batiin noong magdaan sila sa kinauupuan mo pero natakot siya sa kanyang mama.

“Kaya natapos ang se­remonya ng graduation na hindi man lang siya tumi­ngin sa iyo Joem. Tiniis talaga niya pero gustung-gusto niyang batiin ka sana. Alam daw niya na nagtataka ka ng mga oras na iyon. Pero wala siyang magawa. Kailangan niyang manahimik dahil baka kagalitan siya ng kanyang mama. Kilala raw niya ang kanyang mama na walang pigil sa pagsasalita. Walang pakialam kung makasakit man ng damdamin.

“Ang pangyayaring­ iyon daw ang isa sa pi­nakamasakit para sa kanya. Kasi, tiyak daw na kung anu-ano ang nasa­saisip mo Joem kung bakit hindi ka niya binati. Bakit biglang naging kakaiba ang ugali na araw pa naman ng graduation.

“Mula raw noon ay hindi na kayo nagkita. Hindi na raw kasi siya pinapunta ng kanyang mama sa school dahil nga naghihinala ito na baka mayroon kayong relasyon ni Monay. Ang kapatid na lang daw nito ang kumuha ng card at iba pang dokumento sa school.”  

(Itutuloy)

vuukle comment

TRUE CONFESSION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with