Black Widow (130)
Ronnie M. Halos (Pilipino Star Ngayon) - January 11, 2016 - 9:00am

NAPANGITI si Jam habang naliligo. Naging kapani-paniwala ang arte niya sa harap ni Marie na wala pa siyang nalalaman sa relasyon nito kay Jose. Puwede na pala siyang artista, ha-ha-ha! Walang kamalay-malay si Marie na bistado na niya ang lahat. Mabuti ngang wala siyang malaman para maayos niyang maisa­gawa ang balak. Tiyak na magugulat na lamang si Marie na naagaw na niya si Jose, ha-ha-ha!

Kasalanan ba niyang ma-inlove kay Jose? Nga­yon lamang siya nakadama nang ganitong pagmamahal sa lalaki. Maski nagkaroon na siya ng mga lalaki, hindi ganito ang naramdaman niya. Kaya hindi siya basta-basta pa­payag na mapunta kay Marie si Jose.

Napaismid si Jam nang maalala na magpapakasal na sina Marie at Jose. Civil wedding lang daw. Malapit na raw gawin iyon. Gusto raw ni Jose na makasal na sila.

Lihim na minura ni Jam ang kaibigan. Tatlong lalaki na ang namamatay sa piling nito pero hindi na nadala! Hindi na natakot na mamamatayan muli ng asawa! Kailangang maagaw niya si Jose sa kamatayan!

Muli ay pinlano ni Jam ang mga gagawin para sa kanya bumagsak si Jose. Kailangang maging madali siya sa pagsasagawa ng plano para makuha na niya si Jose. Kailangang sure ball ang mga hakbang na gagawin niya!

Nang mga sandali namang iyon ay kampante na si Marie. Nakagaan sa loob niya na nasabi na kay Jam ang relasyon nila ni Jose. Ngayong alam na ni Jam ang lahat sa kanila ni Jose, siguro naman ay hindi na ito magpapakita ng motibo sa lalaking pakakasalan. Nasaan naman ang konsensiya ni Jam kung magpapatuloy pa siyang magpapakita ng motibo kay Jose. Kung magpapatuloy si Jam sa ginagawa nito, huwag na silang magturingang magkaibigan.

Tinawagan niya si Jose para ipaalam ang nangyari.

“Ipinagtapat ko na kay Jam ang relasyon natin.’’

“Anong reaksiyon niya?’’

“Wala naman.’’

“Hindi man lang na­bigla?”

“Hindi. Wala  akong nakitang pagkabigla o pagkagulat.’’

“Hmmm. Parang wala lang?’’

“Oo.’’

“Palagay ko itinatago lang niya ang nararamdaman. Hula ko, mayroon siyang iniisip sa atin.’’

Napangiti lang si Marie.

“Anuman ang isipin niya, bahala siya. Basta ako, nabunutan ng tinik nang masabi sa kanya na mayroon na tayong relasyon at malapit nang magpakasal, period!”

(Itutuloy)

ACIRC ANG ANONG ANUMAN HINDI JAM JOSE KAILANGANG MARIE NIYA WALA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with