'Daming kaibigan sa posisyon': Kat Alano nagsalita matapos ibasura rape case ni Vhong Navarro
MANILA, Philippines — Hindi napigilan ng British-Filipino host-model na si Kat Alano na magpahayag ng pagkadismaya, ito matapos lumabas ang balitang ibinasura ng Korte Suprema ang patung-patong na kaso laban kay Vhong Navarro kaugnay ng sexual violence.
Lunes kasi nang isapubliko ng Third Division ng Korte Suprema ang utos nitong ibasura ang kasong "rape" at "acts of lasciviousness" laban sa komedyante't actor-TV host dahil daw sa kawalan ng probable cause ng reklamo ni Deniece Cornejo.
"So you gotta have frieeeends… Friends in all the right places, even when you’re wrong," wika niya sa isang tweet kagabi.
So you gotta have frieeeends…
— Breaking free (@katalano) March 13, 2023
Friends in all the right places, even when you’re wrong.
Ilang taon nang nagpapalabas ng patutsada si Alano sa social media sa tuwing may malaking balita patungkol sa mga nagrereklamo kay Vhong. Kahit na hindi niya direktang pinangalanan ang aktor, pakiramdam nang marami ay siya ang pinatatamaan lagi.
Taong 2020 lang nang sabihin ni Kat na ni-rape siya ng isang "sikat pa ring celebrity" na #rhymeswithwrong. Ito'y kahit na nakapantalon na maong at t-shirt lang siya't hindi naman daw "mahalay" ang suot.
"He drugged me too, so trying to take my jeans off was difficult for him. Hard to rape an unconscious person in jeans," sabi niya noon.
When I was raped by #rhymeswithwrong still famous celebrity who had smear campaigns to destroy my career&raped many more,i was wearing a Tshirt and jeans.
— Breaking free (@katalano) June 15, 2020
He drugged me too,so trying to take my jeans off was difficult for him.Hard to rape an unconscious person in jeans. #HijaAko
Setyembre 2022 naman nang kanyang i-tweet ang mga salitang, "Finally, a glimpse of justice," ilang sandali lang matapos maglabas ng arrest warrant ang Taguig Metropolitan Court laban kay Vhong kaugnay ng reklamo ni Cornejo.
Nadismaya rin siya nang biglaang payagan ang pagbabayad ni Navarro ng P1 milyong piyansa sa Taguig City Jail, ito'y kahit karaniwang non-bailable ang kasong panghahalay.
Hanggang sa ngayon ay hindi pa rin naghahain ng anumang pormal na reklamo si Alano laban kay "#rhymeswithwrong," sa dahilang napag-alaman daw niyang "ipapa-dismiss lang ito ng tiyuhin" ng celebrity.
Vhong masaya sa desisyon
Masayang-masaya naman daw ang kampo nina Vhong matapos i-dismiss ang charges laban sa kanya, bagay na ipinahiwatig ng kanyang abogadong si Alma Mallonga sa isang report.
"We are happy with the grant of our petition. It’s very clear on the basis of the decision when it granted our petition that there was no basis actually because there was no grave abuse of discretion on the part of the Department of Justice in dismissing the complaints of Cornejo," ani Mallonga.
Ang nasabing desisyon ay inilabas ng dibisyon sa isang 43-pahinang ruling noong ika-8 ng Pebrero, bagay na nag-grant sa petition for review on certiorari na siyang inihain ng legal team ni Vhong.
- Latest