^

PSN Showbiz

Ruru, pineke ang ‘Dakila’!

Jun Nardo - Pilipino Star Ngayon

Babad na babad ang hubad na katawan ni Ruru Madrid sa Kapuso adventure-serye na Lolong. Bihira siyang nakasuot ng damit kaya naman gigil ang matronix, girls at bekis sa sa makinis at borta niyang katawan!

‘Yun nga lang, hindi maiwasang malito ng manonood kung alin ba kina Ruru at Dakila ang tututukan nila!

Sa totoo lang, nang lumabas na gagawin ni Ruru ang Lolong, biglang kumalat sa social media ang umano’y nude photo niya, huh!

Nang silipin namin ang picture, naku, super-dakila ng nakala­gay na pag-aari ni Ruru! ‘Yun nga lang, halatang retoke ito! Peke!

Eh sa pagkalat ng umano’y nude photo ng Kapuso Sparkle, nagkaroon tuloy ng double meaning sa tawag sa buwaya na Dakila. Sa gay language, ang ibig sabihin nito ay malaki!

Of course, ang pangalan ng buwaya ay Dakila pero dahil sa umano’y nude photos niya, hayun at Dakila na rin ang tawag kay Ruru, huh!

At least, si Ruru man o ang buwaya ang Dakila, lampaso sa ratings ang katapat nitong programa, huh!

Lianne at Elle, magiging mainit ang tapatan

Hindi na masosolo ng Kapuso Sparkle na si Lianne Valentin ang pagpapaka-daring sa hapon dahil sa malandi niyang character sa Apoy Sa Langit.

Parating na ang hahamon kay Lianne sa pagpapaseksi at pagpapaka-daring, si Elle Villanueva!

Yes, si Elle ang magpapainit lalo sa GMA afternoon program na Return To Paradise. Sa pictorial pa lang, bigay na bigay na siya lalo na ‘pag kasama niya ang leading man niyang si Derrick Monasterio.

Ang Return To Paradise ang papalit sa Raising Mamay ni AiAi delas Alas na last four weeks na lang sa ere. Kaya humanda ka, Lianne, dahil parating na si Elle na sa name pa lang ay may hatid nang doble init, huh!

vuukle comment

RURU MADRID

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with