_ngayon
^
RIP, Shalala!
Shalala
STAR/ File

RIP, Shalala!

SHOW-MY - Salve V. Asis (Pilipino Star Ngayon) - June 24, 2021 - 12:00am

Rest in Peace, Shalala.

Nagluksa kahapon ang mga taga-showbiz sa pagpanaw ng comedian / TV and radio host, bandang 7:30 a.m. dahil sa pulmonary tuberculosis.

Siya ay 61 years old.

Isinugod si Shalala sa hospital, Fe del Mundo, last Tuesday morning ng kanyang kapatid pero kinabukasan ng umaga ay pumanaw na ito. Bago ito ay matagal na siyang na-confine sa hospital.

Sumikat nang grabe si Shalala sa programa ni Kuya Germs noon na Walang Tulugan.

Napanood din siya sa programang Juicy at Swerte Swerte Lang ng TV5.

Marami pa siyang ibang programang nilabasan.

At siya rin ang voice over opening namin sa Take It... Per Minute, Me Ganun simula sa umpisa ng TIPMMG two years ago hanggang noong nakaraang Martes.

Tumatak sa karamihan ang malulutong na halakhak ni Shalala na kinaaliwan ng maraming manonood at nakikinig sa kanya.

Mapayapang paglalakbay, Shalala. Salamat sa mga alaala.

SHALALA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with