^
Andi, nanganak na!
Andi at Philmar

Andi, nanganak na!

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda (Pilipino Star Ngayon) - January 19, 2021 - 12:00am

Kahapon ay isinilang na ni Andi Eigenmann ang pangalawang anak nila ng kasintahang si Philmar Alipayo. Ang aktor naman na si Jake Ejercito ang ama ng panganay na anak ng aktres na si Ellie.

Malaki ang pasasalamat ni Andi sa nobyong Surfer dahil sa pagmamahal at pag-aalaga nito sa kanilang mag-iina. “We did it again papa. This journey was more of a breeze with you by my side. Thank you for being my rock! Because of you my worries and fears go away. I love love being your partner and going through this wonderful life, raising our kids with you. Glad I get to do this with you for life,” post ni Andi sa Instagram.

Matatandaang naganap ang wedding proposal nina Andi at Philmar bago magtapos ang 2020.

Mainit itong pinag-usapan sa social media kamakailan dahil sa kamangha-manghang mga larawan na kuha sa ilalim ng dagat.

Toni, natupad na ang matagal na pinangarap

Nasa ikatlong season na ngayon ang sari­ling show ni Toni Gonzaga na I Feel U. Ayon sa aktres ay talagang pinangarap niya noon na magkaroon ng sariling programa lalo pa’t dalawang dekada na rin siya sa show business. “No’ng 2019 na magwe-welcome ng 2020, wala pang pandemic noon. Sinulat ko sa planner ko na, ‘What is your dream for your 20th year in the business?’ Sabi ko, ‘My dream is to have my own show where I can talk to people and I can interview them.’ Sinulat ko ‘yon tapos nagsara ‘yung ABS. So naisip ko parang hindi na mangyayari ‘yung dream ko na iyon,” kuwento ni Toni.

Ikinagulat umano ng aktres nang bigla namang tumawag noong panahon na iyon ang Managing Director ng Star Cinema na si Olivia Lamasan upang pakiusapan siyang gawin ang isang bagong programa. “I got a call ng March from Inang. She said the exact words na isinulat ko doon sa planner. Sabi niya, ‘We want to give you your own show. It is called ‘I Feel U’ where you can talk to people and you can allow them to share their stories through the program.’ Naiyak ako, nagsara na ‘yung network natin noon pero iba pala kapag binigay mo na lang kay God ‘yung dreams mo. ‘Yung mga binibitawan mo, hindi pala binibitawan ng Diyos ‘yon para sa ‘yo. I am very grateful,” pagdedetalye ng aktres.

Para kay Toni ay iba pa rin sa pakiramdam kapag mayroon kang sariling programa. Marami ring mga bagay ang kanyang natututunan mula sa mga nagiging panauhin sa show. “This small platform, we can talk to people. Marami kaming nakakausap. Akala nila marami tayong natutulungang tao with this show pero hindi nila alam personally kung ano ang naitulong ng show para sa akin on an emotional, mental and spiritual level. Ang dami kong nakausap na mga tao, mga Kapamilya natin na nakaka-inspire ‘yung story nila,” paliwanag niya. Reports from JCC

ANDI EIGENMANN
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with