^

PSN Showbiz

Gabby tuloy ang pagkampi kay KC

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon
Gabby tuloy ang pagkampi kay KC
Gabby

Para sa mga nakabasa sa quotation cards post ni Gabby Concepcion, may pinatutungkulan ang kanyang mga post. Parang pagtatanggol daw ito ni Gabby sa anak na si KC Concepcion na alam nating may conflict sa mom niyang si Sharon Cuneta.

After ng dinner date nila ni KC, sunud-sunod ang post ni Gabby ng quotation cards at nitong huli, pinost ang “Avoid people who mess with your head. People who say things to upset you. People who want you to make them a priority, but won’t do the same for you. People who don’t apologize. You don’t need these kind of people. Avoid them.”

Sinundan pa ng post ng “Hate nothing and no one, no matter how much they have wronged you. You give energy to what you focus on.”

Marami ang natutuwa kay Gabby sa ginagawa nitong pagtatanggol daw kay KC, pero may mga hindi natutuwa. Mas lalo raw niyang pinalalala ang gap o tampuhan nina Sharon at KC.

Siguro naman may rason si Gabby by posting those quotation cards at tama ang comment  ng netizens sa ganu’ng paraan niya siguro ipinararamdam kay KC na mahal niya ang anak.

Aicelle may payo sa mga talunang contestant

Si Aicelle Santos ang kumanta ng theme song ng Bilangin ang Bituin sa Langit, ang bagong Afternoon Prime na tinatampukan nina Nora Aunor, Mylene Dizon, Gabby Eigenmann, Kyline Alcantara at Zoren Legaspi na magsisimula ang airing sa February 24, sa direction ni Laurice Guillen. 

Ang title ng soap din ang title ng theme song composed by James Manabat and Ann Figueroa.

“It’s haunting, at the same time, uplifting,” ang description ni Aicelle sa theme song. “It’s hard to find a song like that, napakaganda nang pagkakagawa ng song and I’m happy to be part of it, to be singing the theme song,” patuloy nito.

Speaking of Aicelle, mas naging active pa yata ito sa kanyang career mula nang mag-asawa at magiging dalawa ang regular shows, kapag umere na ang newest musical competition na Centerstage simula February16, 7:40pm., on GMA.

Isa si Aicelle sa judges ng Centerstage kasama sina Mel Villena at Pops Fernandez at nakwento na sa first episode pa lang, nakita na niya ang husay ng mga batang contestants.

“Napakahuhusay ng kids. We want to make it enjoyable for them at ipa-realize sa kanila na hindi man sila manalo rito, there’s always a second time. As judges, we will be careful with our words para hindi ma-disappoint ang kids,” sabi ni Aicelle.

Ang payo ni Aicelle sa contestants na hindi mananalo, patuloy lang sa pagkanta, tuloy ang pag-eensayo. Gusto rin niyang makita sa mga contestant na ‘pag tumayo na sa stage, may yabang, buo ang loob at confident.

Paul sumipag na sa gawaing bahay 

Maganda ang role ni Paul Salas sa Descendants of the Sun bilang si Marty Talledo, dating snatcher na kinupkop ng Alpha Team at naging sundalo. 

Kaya, kasama siya sa training ng Alpha Team na sabi nito, sobrang hirap. Ang two days training na ‘yun, parang two months na sa sobrang hirap nang kanilang pinagdaanan.

Kwento ni Paul, natuwa sa kanya ang parents niya dahil kinakitaan siya ng pagbabago after ng training. Dati ay tamad siyang gumawa ng household chores sa bahay nila, after the training at kahit hindi utusan, kumikilos siya.

First project ni Paul sa GMA-7 na kasama ang kamag-anak niyang si Dingdong Dantes, pero hindi raw dahil kay Dingdong kaya siya nakasama sa cast.

vuukle comment

GABBY CONCEPCION

SHARON CUNETA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with