^

PSN Showbiz

Studio 7 mas maraming pasabog!

Pilipino Star Ngayon
Studio 7 mas maraming pasabog!

MANILA, Philippines — Patuloy na maghahatid ng world-class entertainment at walang humpay na kasiyahan ang hit musical-variety show ng GMA Network na Studio 7 sa bago nitong timeslot simula ngayong Sabado.

Bukod sa trending musical performances ng mga bigating artista ng Network, ang paboritong weekend night music tambayan ng Kapuso viewers ay may bagong hatid na segment na pinamagatang Duet With Me, isang singing competition para sa mga aspiring singers upang maipamalas ang kanilang galing sa pag-awit sa Studio 7 stage.

Tampok sa bagong segment na ito ang isang Studio 7 mainstay at dalawang contestants na magpapaligsahan sa tapatan ng biritan. Tatlong influencers kasama ang featured artist ang magdedesisyon kung sino ang tatanghaling winner matapos ang duet performance. Ang magwawagi ay mabibigyan ng fast pass upang mapasali sa TOP 64 ng The Clash Season 2.

Excited na ang Studio 7 mainstays na sina Asia’s Romantic Balladeer Christian Bautista, Asia’s Pop Sweetheart Julie Anne San Jose, West End Ms. Saigon’s “Gigi” Aicelle Santos, at Pop heartthrob Mark Bautista pati na rin sina Gabbi Garcia, Rayver Cruz, Kyline Alcantara, Migo Adecer, Mikee Quintos, Kate Valdez, Mavy at Cassy Legaspi, at The Clash alumni Golden Cañedo, Jong Madaliday, Garrett Bolden, at Mirriam Manalo sa mas pina-level up na performances at production numbers na iha­handog nila sa mga tagasubaybay.

Ipinakikilala rin ng Studio 7 ang pinakabago nitong mga miyembro – ang minamahal na tambalang BoBrey mula sa My Special Tatay na sina Ken Chan at Rita Daniela.

Abangan ang Studio 7 sa bago nitong timeslot simula ngayong Sabado, 10pm, pagkatapos ng Magpakailanman sa GMA-7.

vuukle comment

GMA NETWORK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with