Coco
Coco dinalaw si Eddie
SEEN SCENE - Jojo Gabinete (Pilipino Star Ngayon) - June 12, 2019 - 12:00am

SEEN: Dinalaw kahapon ni Coco Martin sa Makati Medical Center si Eddie Garcia. Malapit sa isa’t isa ang dalawa dahil nagkasama sila sa mga television series ng ABS-CBN.

SCENE: Ang pagli­linaw ng malalapit na kaibigan ni Eddie Garcia na 92-years-old na siya, hindi 90-years-old na madalas na nababasa sa mga report tungkol sa aksidente na nangyari sa kanya noong Sabado.

SEEN: Deactivated at page not found ang Instagram account ng former model at beauty queen na si Patty Betita na nakatanggap ng mga batikos dahil sa pagkukumpara niya kina Daniel Padilla at James Reid. Humingi ng paumanhin si Betita dahil sa kanyang sinabi na “Daniel Padilla is much nicer and more accommodating than James Reid #fortherecord.”

SCENE: “I didn’t realize the gravity of what I thought was just my opinion .. obviously made so many #Jadine fans seething with anger attacking me. Ok, I sincerely apologise if I hurt your feelings. I judged an innocent guy and made a careless comment,” ang apology ni Patty Betita, ang ina ng panganay na anak ni Senator JV Ejercito.

SEEN: Miss Cherie ang tawag ni Kyline Alcantara kay Cherie Gil, isa sa tatlong member ng Starstruck Season 7 council. Ayaw ni Cherie na tinatawag siya na tita ng mga artista na hindi naman niya kamag-anak. Ate Heart naman ang tawag ni Kyline  kay Heart Evangelista. Magkasama ang dalawa sa Starstruck Season 7, si Kyline ang online host ng programa.

SCENE: Ang mga host at Starstruck council ang ipinakilala ng GMA 7 sa grand presscon ng Starstruck Season 7 noong Lunes. Sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado ang mga host ng nagbabalik-telebisyon na reality-based artista search ng GMA 7. Hindi nakadalo si Jennylyn sa presscon dahil may taping siya para sa Love You Two.

SEEN: Si Sunshine Cruz ang ipinalit kay Carmina Villarroel sa The Heiress, ang horror movie na balak isali ng Regal Entertainment Inc. sa Metro Manila Film Festival sa December 2019 May  movie entry din si Carmina sa Metro Manila Film Festival, ang horror film na Sunod. Mga bida sa The Heiress sina Maricel Soriano at Janella Salvador.

COCO MARTIN EDDIE GARCIA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with