^

PSN Showbiz

Pres. Duterte hinihingan na ng tulong sa mga sinehang kinakawawa ang local movies

SHOWBIZ GANERN! - Gorgy Rula - Pilipino Star Ngayon
Pres. Duterte hinihingan na  ng tulong sa mga sinehang  kinakawawa ang local movies
Pres. Duterte

Nagbunga naman ng maganda ang ikinampanya ng Regal Entertainment na #SaveElise at #bringELISEbackincinemas dahil mahigit sampung sinehan naman daw ang ibinalik sa naturang pelikula.

Maganda kasi ang feedback sa pelikula at puwede talagang bumawi dahil sa word of mouth.

Ang daming nag-react na sa panga­lawang araw pa lang nito ay tinanggal na sa mga sinehan.

Kaya kahit nga si Manay Lolit Solis na hindi naman nag-iikot sa mga sinehan ay apektado sa ginawa ng theater owners sa pelikula ni Mother Lily Monteverde.

Hindi man lang daw nila kinunsider na ang Regal lang naman ang gumagawa ng mara­ming pelikula.

Nakakabilib nga si Mother Lily na kahit nalu­lugi ang ilan niyang pelikula, tuluy-tuloy pa rin ang pagpu-produce niya.

Kaya sabi ni Manay Lolit, bakit hindi palakasin ang clamor sa ginagawa ng mga theater owners at iparating ito sa mga kinauukulan, lalo na kay Pres. Rodrigo Duterte.

“Nandiyan si Liza Diño di ba? Malapit siya kay Pres. Rodrigo Duterte.

“Naku! Lahat naman binabangga ni President ‘di ba? Pakalkal lang niya kung nagbabayad ng tama ba ng tax ang malls na ito, tingnan natin kung di sila mataranta ‘di ba,” pahayag ni Manay Lolit.

Pinag-uusapan na nga ito ngayon at marami ang nagsasabing mas dapat yatang ilipat ng Biyernes ang opening ng mga pelikula, lalo na ang mga Pinoy films.

Puwedeng unahin daw muna ang mga foreign films, tapos pagdating ng Biyernes ay mga Pinoy film  na para pa-weekend na, doon naglalabasan ang mga tao para manood ng pelikula.

May ilang grupo na malaki ang concern sa movie industry ang balak na mag-organize ng isang forum para pag-usapan ang isyu ng mga producers sa theater owners.

Patricia nag-aaral ng sariling lakad sa Mrs. U

Nakakatuwa ang suportahan sa isa’t isa ng mag-asawang Dr. Rob Walcher at Patricia Javier.

Ini-launch kamakalawa lang ang librong Doc Rob’s Guide to Better Health & Wellness ni Dr. Rob Walcher.

Si Patricia ang aligaga sa pag-asikaso sa guests, at pati sponsors na tumulong sa naturang launching.

Isa rin kasi si Patricia sa nakiisa sa advocacy ng asawa niyang health and wellness.

Sa librong iyun ay nakapaloob ang limang mahalagang factor para sa ating kalusugan.

Sabi ni Doc. Rob kailangan ng mental/physical condition, exercise, tamang pagkain, tamang oras ng tulog, positive thinking at siyempre ang chiropractic treatment.

“Actually, chiropractic is the primary thing, the first thing that you need in your life to keep your spine, your nervous system in balance so you can be healthy.

“You eat right, then you exercise, then you sleep, then you have a positive mental attitude, and then, you prevent sickness and diseases,” bahagi ng mahabang paliwanag ni Dr. Rob Walcher.

Health and wellness nga ang gustong ikampanya ni Patricia sa kanyang pagsali sa Mrs. Universe na gagawin sa South Africa sa August na pinagha­handaan na nga ng dating actress ngayon.

 “We need to focus sa awareness for wellness because we believe that our health is our wealth,” pakli ni Patricia.

Todo rin ang suporta ni Doc Rob sa pagsali ni Patricia sa Mrs. Universe, lalo na’t pareho silang gustong i-promote ang health at wellness sa pagsali ng kanyang asawa.

 “She gets to continue her dreams and also to spread the message of being healthy,” pahayag ni Doc Rob.

Dagdag na kuwento ni Patricia, 88 countries daw ang maglalaban sa Mrs. Universe. Kaya puspusan ang training niya kay Rodgil Flores.

Sinasabihan nga naming pag-aralan niya ang sarili niyang signature walk, na puwedeng Chi­ropractic walk na kung saan makukuha mo ang tamang posture dahil sa chiropractic care.

Cain At Abel patindi 

Mas matindi na ngayon ang aksyon at rebelasyong magaganap sa Cain at Abel nina Dingdong Dantes at Dennis Trillo.

Kaya hindi na bumibitiw ang  mga sumusubay­bay dito dahil inaabangan ang huling laban ng magkakapatid na Daniel (Dingdong) at Elias (Dennis).

Kakaibang kuwento rin ng magkapatid ang ipapalit sa timeslot ng Cain at Abel, ang Kara Mia nina Barbie Forteza at Mika dela Cruz na magsisimula na sa February 18.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with