^

PSN Showbiz

Billy at Coleen dalawa ang wedding reception!

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon
Billy at Coleen dalawa ang wedding reception!

Coleen

Secret pa ang date at venue ng kasal nina Billy Crawford at Coleen Garcia na mangyayari ngayong 2018.

Pero alam nating lahat na walang puwedeng ilihim sa showbiz kaya sooner or later, malalaman natin ang complete details tungkol sa inaabangan na pag-iisang dibdib nina Billy at Coleen.

Sikreto rin noon ang date at venue ng garden wedding nina Anne Curtis at Erwan Heussaff sa New Zealand pero ang friends din nila ang source ng balita dahil super post ng pictures sa social media ang mga invited guest.

Siniguro naman ni Billy na magaganap sa Pilipinas ang pagpapakasal nila ni Coleen pero ayaw muna niya na magbigay ng impormasyon dahil inaayos pa nila ni Coleen ang guest list.

Balak nina Coleen at Billy na magkaroon ng dalawang wedding reception para maimbitahan nila ang lahat ng miyembro ng kanilang pamilya at close friends.

Maraming gastos si Billy sa 2018 dahil bukod sa forthcoming wedding nila ni Coleen, nagpapagawa siya ng bahay.

Positive naman si Billy na magiging bongga ang 2018 niya sa tulong nina Boss Vic del Rosario at Veronique del Rosario-Corpus ng Viva Artists Agency.

Confident si Billy na madaragdagan ang trabaho niya ngayong talent na siya ng Viva.

Maligayang-maligaya si Billy dahil binigyan siya ni Boss Vic ng freedom para pumili ng mga kanta para sa kanyang album sa Viva Records.

Gustong maging active ni Billy sa pagkanta at magkaroon ng record album dahil marami na siyang mga naipon na composition.

Bago siya nagbalikbayan sa Pilipinas, sikat na singer si Billy sa France at hanggang ngayon, may fans pa rin siya roon.

Anytime na gustuhin niya, puwedeng-puwedeng i-revive ni Billy ang kanyang international singing career dahil sikat pa rin siya sa France at ibang parte ng Europe.

Billy malaki ang sampalataya kay Sarah

Para kay Billy, new beginning ng career nito ang paglipat sa Viva Artists Agency dahil bukod sa mga project na inihahanda ni Boss Vic, makakasama niya sa mga pelikula at concert ang mga kaibigan na sina Anne Curtis, Sarah Geronimo at marami pang iba.

Hindi nakakalimutan ni Billy na siya ang special guest ni Sarah sa mga concert tour nito sa US noong kababalik pa lamang niya mula sa Europe.

Malaki ang sampalataya ni Billy kay Sarah na itinuturing niya na Beyoncé ng Pilipinas.

Dahil talent na siya ng VAA, mag-expect tayo na mapapadalas ang pagsasama nina Billy at Sarah sa mga concert.

Mama’s Girl may karapatan sa A

Graded A ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang Mama’s Girl ng Regal Entertainment, Inc.

Kahapon ang first day ng Mama’s Girl sa mga sinehan at ang sey ng moviegoers, may karapatan na bigyan ng CEB ng Grade A ang pelikula nina Sylvia Sanchez, Sofia Andres, Diego Loyzaga, at Jameson Blake dahil maganda ang kuwento at mga eksena.

Si Connie Macatuno ang direktor ng Mama’s Girl. Pupusta ako na masusundan pa ang mga movie project ni Connie sa Regal dahil impressive ang unang pelikula niya sa film company ni Mother Lily Monteverde.

Sa May pa ang celebration ng Mother’s Day pero ang sabi ng mga nanood ng Mama’s Girl, ang January ang bagong buwan ng pagdakila sa mga nanay dahil sa critically-acclaimed movie ng Regal.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with