^

PSN Showbiz

Paulo, ipaglalaban ang pag-ibig kay Ritz

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Muling haharap sa matinding hamon ang pag-ibig nina Sophia (Ritz Azul) at Nicolas (Paulo Avelino) dahil handa nang ipaglaban ng immortal man ang kanyang pagmamahal para sa dating kasintahan upang mabuo ang pinapangarap nilang pamilya sa huling dalawang linggo ng The Promise of Forever.

Sa pagbabalik ni Nicolas bilang Laurence, muling nagkrus ang kanilang landas ni Sophia at nagkaroon ng pagkakataong makilala ang kanilang anak, na mayroon ding kakayahang pagalingin ang sariling sugat. 

Dahil dito, hindi na sasayangin ng immortal man ang pagkakataon at paninindigan ang babaeng minamahal kahit pa pilit siyang itaboy nito at ilayo sa kanilang anak.   

Sa muli namang pagtatagpo nina Marlon (Tonton Gutierrez) at Nicolas, sasamantalahin na ng una ang pagkakataon upang makuha ang huling sangkap na kukumpleto sa miracle drug at gagamitin si Sophia upang makuha ang tiwala ni Nicolas. 

Ngunit bukod sa kasakiman ni Marlon, mas magiging mahirap din ang pagbabalik ni Nicolas dahil kay Philip  (Ejay Falcon) na gagawin ang lahat upang mapasakanya ang puso ng dalaga, kahit pa idaan niya ito sa dahas.  

Ano na nga ba ang kahihinatnan ng pagmamahalan nina Sophia at Nicolas? Magtagumpay na kaya sina Marlon at Philip sa kanilang mga plano? 

Huwag palampasin ang huling dalawang linggo ng The Promise of Forever sa ABS-CBN at sa ABS-CBN HD (SkyCable ch 167).

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with