^

PSN Showbiz

Gustong makabili ng bahay Ian susubukan ang swerte sa Japan

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Naibalita sa amin ng actor na si Ian de Leon na may balak umano siyang umalis patungong Japan para magtrabaho any day soon. Ayon kay Ian, he was offered by a friend para i-manage ang isang resto-bar in Shinjuku.

Mabigat man sa loob ni Ian na iwan ang kanyang mag-ina, ang wife niyang si Jen at almost two-year-old son na si Jaden, gagawin niya ito para rin sa kanila.

“Matagal ko na ring pangarap na magkaroon ng sariling bahay,” aniya.

“Although I still get projects here, hindi naman enough para sa pang-araw araw na pa­nga-­  nga­ila­ngan ng pamilya ko kaya nagdesisyon akong i-grab ang alok sa akin ng kaibigan ko in Japan,” kuwento pa sa amin ni Ian.

“I need a regular job,” diin pa ng actor.

Hindi na bago ang Japan kay Ian dahil ilang be­ses na rin siyang nakapag-show sa nasabing bansa. Bukod kasi sa pagiging isang mahusay na actor ni Ian ay isa rin siyang mahusay na mang-aawit na kanyang minana sa kanyang estranged parents na sina Nora Aunor at Christopher de Leon who are not only good actors but good singers as well.

Kahit sandali lamang, thankful si Ian na napasama siya sa napakala­king proyekto ng GMA, ang TV remake ng Encantadia na kamakailan lamang nagtapos sa ere.

Nagkaroon din si Ian ng chance na mag-guest sa long-running and top-rating action TV series ni Coco Martin, ang FPJ’s Ang Probinsyano at sa Maalaala Mo Kaya.

Alden at Maine nabawasan na ang endorsements

Magtatapos na sa ere ang kauna-unahang TV series ng magka-loveteam na sina Alden Richards at Maine Mendoza, ang Destined To Be Yours na pinamamahalaan ni Irene Villamor.

Nanghinayang kami na hindi man lamang umabot ng kahit anim na buwan ang serye considering na napaka-strong ng supporting cast nito na kinabibila­ngan nina Ja­nice de Belen, Ina Feleo, Gardo Versoza, Boots Anson-Rodrigo, Sheena Halili, Dominic Rocco, Juancho Trivino, Lotlot de Leon, Thea Tolentino, Jackiie Lou Banco, Ervic Vijandre, Nova Villa at marami pang iba.

May mga nagsa-suggest na pag­hiwalayin daw muna ng proyekto sina Alden at Maine at ipareha sa iba para hindi sila agad pagsawaan. After all, wala nang dapat patunayan pa ang tambalan ng dalawa dahil na-achieve na nila ang kanilang goal.

Samantala, kapansin-pansin din na biglang nabawasan ang product endorsements ng dalawa.  Kung noong isang taon ay halos 30 mahigit ang kanilang iniendorsong mga produkto ngayon naman ay mabibilang mo na lamang sa daliri.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with