^

PSN Showbiz

Thea mas lumaki ang galit kay Janine!

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Sa pagpaptuloy ng Once Again, darating si Lukas (Joko Diaz) at magagalit siya kay Agnes (Sheryl Cruz) dahil sa planong pag-alis nito sa kanilang bahay. Masasaktan ni Lukas si Agnes at ikukulong sa kanilang bahay. Laking-gulat ni Agnes nang dumating si Celeste (Thea Tolentino) na kumampi pa kay Lukas dahil daw bilang nanay niya, dapat ay sila ang priority nito.

Tatawagan naman ni JV (Jeric Gonzales) si Des (Janine Gu­tier­rez) para kitain dahil magdadala raw siya ng lunch sa dala­ga. Tatanggi si Des dahil mahirap daw kay JV na kumilos bilang naka-wheelchair ito. Dismayado si JV kaya kailangan daw siyang magsaklay para hindi isipin ni Des na hassle siya kapag magkasama sila.

Makakakita naman ng lumang kotse si Aldrin (Aljur Abrenica) at maaalala niya ang dating kotse ni Reign. Dito niya maaalala ang plate number ng kotse ni Reign. Laking gulat niya nang ma-check sa LTO na ang may ari ng kotse ay si Reign Soriano.

Malalaman ni Des na may balak si Agnes na kasuhan si Madel (Jean Garcia). Pupuntahan ni Des si Agnes sa shop pero doon niya malalaman na kinukulong ni Lukas si Agnes. Darating si Des sa bahay ni Lukas pero sa labas pa lang ay makakaharap niya si Celeste. Sasaktan siya ni Celeste hanggang sa umawat si Agnes at sabihin kay Celeste na anak niya si Des.

Hindi makapaniwala si Celeste sa nalaman. Lalo siyang magagalit at si Des ang pagbubuntunan niya ng pananakit. Lahat daw kasi ay inaagaw ni Des sa kanya. Aawat si Agnes at maitutulak niya si Celeste. 

Sasabihin naman ni Des kay Agnes na maraming tao ang ayaw na magkasama sila. Sagot naman ni Agnes na aayusin niya ‘yun. Pero paano raw maaayos kung may balak si Agnes na idemanda si Madel? Nasabi lang daw ‘yun ni Agnes dahil sa bugso ng damdamin. Basta raw mangako si Des na magkakasama rin sila in the near future.

Malungkot si Aldrin pagkatapos maalala kung pa­ano hinabol ng kotse ni young Lukas ang kotse ni Reign. Mag-a-advise naman si Tony (Emilio Garcia not to dwell on it. Pero hindi raw yata kayang takasan ni Aldrin ang mga pangitain niya.

Magsusumbong si Celeste kay Lukas na binibilog ni Des si Agnes para paniwalain na anak siya ni Agnes. Aamin si Agnes kay Lukas at laking gulat ni Celeste nang magdesisyon kaagad ang tatay niya na patirahin si Des sa bahay nila.

Susugod si Lukas sa bahay ni Madel kasama ang kanyang abogado. Naroon si JV para proteksyunan si Des pero mahahawi siya ni Lukas at tutumba. May hawak na kutsilyo at magwawala si Madel saka magtatawag ng mga kapitbahay. Ang abogado ni Lukas ang magsasabi sa kanya na umatras na sila para makaiwas sa gulo.

Ramdam naman ni Madel na hindi pa rin puwedeng pagkatiwalaan si Agnes the fact na sumugod si Lukas para kunin ito. Pagbabawalan niya si Des na lumapit kay Agnes para raw umiwas muna sa gulo. Papayag naman si Des.

Makikita ni Agnes ang picture ni Reign na nakaipit sa libro ni Lukas. Sisitahin niya si Lukas kung ano raw ang balak kay Des pero hindi mag-i-explain si Lukas. Sasaktan pa niya si Agnes sa harapan ni Jessa. Sasabihin ni Agnes na hindi niya patitirahin si Des, hindi ilalapit kay Lukas. Lalo siyang babanatan ni Lukas na hindi magawang magpaliwanag.

Magkakaroon ng pangitain si Aldrin tungkol sa paghabi ni young Lukas kina Reign at Edgar. May duda siya na may kinalaman ito sa pagkamatay ng dalawa.

Dadalaw si Aldrin kay Ricardo (Christopher de Leon) at doon niya malalaman na dala ni Reign ang kotse at hindi alam kung nasaan na ito.

Magsusumbong si Jessa kay Des tungkol sa pananakit ni Lukas kay Agnes. Kailangan daw nilang saklolohan para mailayo si Agnes kay Lukas. Ma­kikiusap si Des kay Celeste na tulungan siyang maialis si Agnes sa bahay nila. Papayag si Celeste.

Maghihintay si Madel kay Des para i-celebrate ang birthday ni Des. Pero sasakit ang puso niya at mawawalan ng malay. To the rescue naman si Vicky.

Makakapasok si Des sa bahay ni Lukas until makita niya si Agnes.

Abangan ang mga eksena sa Once Again mamaya pagkatapos ng Poor Señorita.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with