^

PSN Showbiz

Laban nina Baron at Kiko showtime, pinagkakitaan lang nila! Sunshine ayaw tigilan ng ‘babae’ ng asawa

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Walang sagot ang kampo ni Jennylyn Mercado kung naayos na ba ang renewal ng contract niya sa GMA 7.

Nakausap namin kamakailan lang ang ilang exe­cutives ng GMA 7 at sinasabi naman nilang ina­ayos na ito. Noong May 15 pa nag-expire ang kontrata ni Jennylyn at medyo matagal na itong ina­ayos dahil sa hinihinging adjustment sa talent fee ng Kapuso actress.

Naniniwala silang maaayos ito dahil sa GMA 7 ang first option ng renewal. Gusto pa naman ng mga kasamahan ni Jennylyn sa StarStruck na magkasama-sama sila sa isang programa.

Magkasama sina Mark Herras, Yasmien Kurdi at Katrina Halili sa afternoon drama na Sa Pi­ling ni Nanay. Sana raw ay magkakaroon din ng chance na makasama nila si Jennylyn sa isang programa.

Mamayang hapon na pagkatapos ng Hanggang Makita Kang Muli ang simula ng Sa Piling ni Nanay.

PAK: Ang daming followers ni Sunshine Dizon ang tumira kay Clarissa Sison (clang__sison), ang sinasabing babae ng mister ng aktres, nang mag-comment ito sa isang Instagram post ni Shine.

May isang post si Sunshine sa kanyang IG account na nagpapasalamat sa lahat na mga sumuporta at naniniwala sa kanya. Nagpapasalamat siya sa lahat na dumamay at hindi bumitaw sa pinagdaanan niya.

Nag-comment sa post na ito ang IG account na clang__sison ng “God bless you!”

Nag-react tuloy ang ilang followers ni Sunshine na sana raw ay marunong rumespeto si Clarissa sa na­raramdaman at pinagdadaanan ngayon ng Kapuso actress.

BOOM: Na-disappoint ang karamihan sa laban nina Baron Geisler at Kiko Matos na ginanap sa Valkyrie Club  kamakalawa ng gabi, dahil tabla ang resulta ng kanilang laban.

Ang daming humihingi ng rematch pero marami rin ang nagsasabing huwag na dahil obvious namang pinagkakitaan lang daw nila ang labang iyon.

Sa huling interview kay Kiko sa radio program nina Sam YG, sinabi niyang okay lang daw sa kanya na magkaroon ng rematch. Sinabi rin niyang kontra raw ang ama niya sa pinasok niyang gulo, pero alam  daw niyang hindi magpapigil ang aktor, kaya siguraduhin lang daw nitong kumita siya.

Lumabas namang mas marami talagang sumuporta kay Ba­ron. Kahit tumabla ang laban nila ni Kiko, puring-puri ito sa ginawa sa ring at nagpahayag pa nga ang kapatid niyang Taekwondo Olympiad na si Donnie Geisler na proud siya sa performance ng aktor.

Ang sabi, nagkaayos na raw ang dalawa pero mukhang hindi pa rin dahil nakikitang galit pa rin sila sa isa’t isa.

May mga post pa nga si Kiko sa Facebook account niyang “panis si Baron”, pero tinanggal din niya agad.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with