^

PSN Showbiz

Richard walang paki kahit second choice

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Hindi issue kay Richard Gutierrez kung hindi man siya ang first choice para gumanap sa title role ng Ang Panday na magsisimulang mapanood sa TV5 ngayong February 29 mula sa direksiyon ni Mac Alejandre. Ang mahalaga, siya ang final choice para gumanap sa classic material na likha ni Carlo J. Caparas at binig­yang-buhay sa pelikula ng yumaong movie at Action King na si Fer­nando Poe, Jr.

Malaking karangalan para kay Richard na sa kanya ipinagkatiwala ng TV5 at Viva TV ang muling pagsa­sa­dula ng serye na unang ginampanan sa telebisyon ni Jericho Rosales sa Kapa­milya Network.

Richard will be portraying three different characters sa Ang Panday na tinatampukan din nina Christopher de Leon, Alonzo Muhlach, Epi Quizon, John Regala, Ara Mina, Bangs Garcia, Sam Pinto, Regine Tolentino, Ara Mina at maraming iba pa.

Dahil kay Kris, Anthony malamang tsutsugiin sa UKG 

Ang TV host, radio anchor, at TV Patrol news correspondent na si Anthony Taberna ang napi­pisil na maging co-host ng Queen of All Media na si Kris Aquino sa bago nitong daily morning show na makakapalit ng Kris TV.

Si Anthony ay isa sa hosts ng daily morning show na Umagang Kay Ganda. Meron din siyang lingguhang programa, ang Tapatan ni Tunying at araw-araw din siyang napapakinggan at napapanood sa DZMM teleradyo.

Totally magkaiba ang personalidad nina Kris at Anthony ang mundo na ginagalawan kaya dito nga­yon malalaman kung magkakaroon ng instant rapport at chemistry ang dalawa kapag nagsimula na silang magsama.

Kapag natuloy ang tambalan nina Kris at Anthony, tiyak na aalisin si Anthony sa Umagang Kay Ganda dahil magkasunod ang time slot ng bago nilang magiging programa ni Kris.

James at Nadine tuloy ang pag-ariba

Malayo na talaga ang narating ng tambalang James Reid at Nadine Lustre magmula nang sila’y sugalan ng kanilang home studio, ang Viva Films sa debut movie nilang Diary ng Panget na naging hit sa takilya.

Lalong lumaki ang pangalan ng JaDine nang kunin sila ng ABS-CBN para magbida sa hit TV series na On The Wings of Love, isa ngayon sa mga top TV series ng Kapamilya Network na naging daan naman ng mga sunud-sunod na product endorsements ng dalawa.

Come February 20 (Saturday), mapapanood naman sina James at Nadine sa kanilang first major concert na gaganapin sa Big Dome (Araneta Coliseum) na jointly produced ng ABS-CBN, Dreamscape, at Viva Live. The concert will be directed by Paul Basinillo with Teacher Georcelle as dance director kasama ang G-Force.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with