^

PSN Showbiz

Sa sobrang in demand, Wally hinimatay habang rumaraket

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Nakakuha na nga ng financier sina direk Gil Portes kaya itinuloy na nila ang principal photography ng Hermano Puli na kinunan sa Tayabas, Quezon.

Nakakaintriga ang sidelights sa shooting dahil nagkasama doon sa set sina Aljur Abrenica, Louise delos Reyes, at Enzo Pineda.

Hindi maiwasang may ilangan factor, pero kapansin-pansin daw ang closeness nina Aljur at Louise. Ewan ko lang kung para lang sa pelikula ‘yun.

PAK: Huli lang naikuwento sa amin ng isang kaibigang nasaksihan daw niya sa isang gig nina Jose Manalo at Wally Bayola sa Zirkoh ang pagkahimatay ng huli.

Kuwento ng ilang nandun sa Zirkoh, hindi naman daw natumba sa mismong stage ang komedyante. Um-exit daw muna siya at bumulong sa ilang hosts na alalayan siya dahil parang masama ang pakiramdam. Kaya lumabas na ito at sa dressing room na siya hinimatay.

Bukod sa Eat Bulaga, may mga raket pa ang dalawa at may regular pa silang gig sa Zirkoh at Klowns kaya inaabot na sila ng madaling araw.

Kaya ang bale pahinga na lang daw nila ay sa kotse, lalo na’t ‘pag traffic. Doon na sila bumabawi ng tulog.

Si Wally ang hindi tumatanggi ng trabaho dahil kailangan pa rin niyang mag-ipon para sa pagpapagamot sa kanyang anak.

BOOM: Hindi na raw napigilan ni Julie Anne San Jose na maiyak nang magkita sila ni Maine Mendoza sa Sunday PinaSaya dahil sobrang nasaktan ito sa pamba-bash na ginawa sa kanya ng AlDub Nation.

Nang lumapit sa kanya si Maine para mag-sorry, napaiyak na lang daw siya para mailabas ang bigat sa dibdib na matagal na niyang sinasarili.

Si Gladys Guevarra ang nagulat na kasama ni Julie Anne sa dressing room dahil wala itong kaalam-alam sa mga nangyari.

Doon na lang niya nalaman ang lahat, dahil wala namang balak sina Maine at Julie Anne na ilabas pa ito.

vuukle comment

ALJUR ABRENICA

ANG

EAT BULAGA

ENZO PINEDA

GIL PORTES

HERMANO PULI

JOSE MANALO

JULIE ANNE

JULIE ANNE SAN JOSE

KAYA

ZIRKOH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with