^

PSN Showbiz

Bea kabado sa balikan nila ni John Lloyd

SHOWBIZ NEWS NOW NA! - Boy Abunda - Pilipino Star Ngayon

Nakatakda na muling magtambal sina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo sa isang pelikula.

Malaki ang naging epekto sa mga manonood ng One More Chance kung saan napasikat nina John Lloyd at Bea ang mga karakter nina Popoy at Basha.

Hindi pa raw malaman ngayon kung konektado pa rin sa nasabing pelikula ang bagong gagawin ng dalawa. “Is this a part two or a sequel, or another story? Maski kami ni Bea, wala pa kaming alam,” bungad ni John Lloyd.

Kung sakali ba ay nakahanda ang aktor na muling gampanan ang papel ni Popoy? “Hindi siya gano’n kadali. Ang sabi ko lang sa kanya (Cathy Garcia-Molina, direktor ng pelikula), kung makakapagtayo ng magandang kwento at konektado pa rin sa totoong kwento ni Popoy at ni Basha, eh bakit hindi? Pero kung pipilitin lang natin, siguro para sa akin, pangit kasi kapag pinipilit. Lahat ng bagay na pinipilit, pumapangit,” paliwanag ni John Lloyd.

Marami sa mga tagahanga ng tambalang John Lloyd-Bea ay gusto na muling makagawa ang dalawa ng panibagong yugto sa kwento nina Popoy at Basha lalo pa’t walong taon na ang nakararaan nang pumatok sa takilya ang One More Chance. “Siyempre nakaka-excite na may clamor, na gusto ng mga tao. Pero kahit ako mas nangingibabaw ‘yung kaba kung kaya ba naming gawin,” maikling pahayag naman ni Bea.

Anak ni Mark Anthony, kabado kina Richard at Dawn!

Namamayagpag ngayon ang career ng anak ni Mark Anthony Fernandez na si Grae Fernandez. Miyembro si Grae ng boy group na Gimme 5.

Bukod sa teleseryeng Pangako Sa ‘Yo ay kasama rin ang baguhang aktor sa pelikulang The Love Affair kung saan gumanap siya bilang anak nina Richard Gomez at Dawn Zulueta. “My dad is very proud of me po kasi after TV series, may movie na rin ako. Every achievement naman nakukuha ko sobrang proud siya. He commend me naman po at mas napapasaya ko naman po siya,” nakangiting pahayag ni Grae.

Kinabahan daw ang binatilyo nang makaeksena sina Richard at Dawn sa pelikula. “Actually po sa first day po sobrang kinabahan po talaga ako. Kasi I don’t know what to expect from them. I don’t know what to expect sa gano’ng stature ng artistry. Ang dami pong takes namin no’ng first day. Pero no’ng nakita ko na sobrang humble nila at sobrang babait nila sa akin, and everyone that they’ve worked with, mas naging relax po ako,” kwento ni Grae.

“Eventually, nalaman din po nila na anak ako ni Papa and parang nakatulong ‘yon. Sabi nila, kamukha daw po ako ni Papa,” dagdag pa niya.

Reports from JAMES C. CANTOS

vuukle comment

ACIRC

ANG

BASHA

BEA

BEA ALONZO

CATHY GARCIA-MOLINA

GRAE

JOHN LLOYD

ONE MORE CHANCE

PERO

POPOY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with