^

PSN Showbiz

Isabelle Daza lalayas na rin sa GMA!

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

Totoo palang lilipat na sa ABS-CBN si Isabelle Daza. Mismong ang nanay na raw nitong si Ms. Gloria Diaz ang nag-confirm na next week, Kapamilya na ang anak niya na ilang taon ding namalagi sa GMA 7 ayon sa kuwento ni tita Ethel Ramos nang makausap niya sa presscon ng Dream Dad the other night ang kauna-unahang Miss Universe ng bansa.

Kung sabagay natengga si Isabelle sa pagho-host. Sa Eat Bulaga lang siya napapanood at Taste Buddies sa GMA News TV at limot na halos ang kanyang hu­ling drama series.

Actually, mas napansin pa nga si Isabelle nang makasama siya sa pelikulang It Takes a Man and a Woman, ang super box office hit movie nina Sarah Geronimo at JLC.

Kaya lang dapat may gawing hakbang na ang GMA 7. Naglalayasan na ang mga talent nila ha.

Si Maxene Magalona ang last na umalis na kasama na ngayon sa bagong light drama series ng ABS-CBN na Dream Dad.

At kung kukuha naman sila ng kapalit, ‘yun namang medyo mabibigyan pa nila ng career.

Like si Iya Villania, may asawa na. So paano pa siya ima-market kung lagi niyang kasama ang asawang si Drew Arellano? Eh hindi naman siya si Judy Ann Santos and Ryan Agoncillo?

Si John Prats lilipat na rin daw. Eh mag-aasawa na rin naman.

By the way, kasama nga pala si Ms. Gloria sa series na pinagbibidahan ni Zanjoe Marudo.

Vice Ganda babalik na ngayon sa Showtime

Nakatakda nang bumalik sa  It’s Showtime ang unkabogable star at host na si Vice Ganda ngayong Sabado matapos ang ilang linggong pamamahinga dahil sa kanyang throat condition.

Sobrang excited na nga raw si Vice na bumalik sa studio dahil na-miss niya ang kanyang co-hosts at ang madlang people. Pinayuhan si Vice na huwag masyadong gumalaw at magsalita kaya naman minabuti na niyang magpahinga mula sa pagho-host araw-araw.

Samantala, kaabang-abang din ang performance ng nag-iisang Asia’s Nightingale na si Lani Misalucha na magsisilbing patikim sa kanyang papalapit na concert ngayong Disyembre.

Patuloy rin ang pamimigay ng maagang pamasko ng It’s Showtime sa pinakabago nitong hulaan segment na  Isang Tanong, Isang Milyon kung saan maaaring magwagi ng P1 milyon ang mga contestant.

Meaning maling-mali ang balita na malala ang sakit ni Vice kaya hindi ito napapanood sa noontime show ng Kapamilya.

Dumalaw at namigay ng tulong Derek nakita ang katatagan ng mga winasak ng Yolanda

Bumisita ang Kapatid actor at Amazing Race Philippines host/race master na si Derek Ramsay sa mga lugar na nasalanta ng bagyo sa Eastern Visayas isang taon matapos ang paghagupit ng super typhoon Yolanda.  

Sa panayam ng InterAksy2on.com, ikinuwento ni Derek kung paano siya napahanga sa katatagan ng ating mga kapatid at kung paano silang unti-unting bumabangon. Malinaw na marami pa rin ang dapat gawin para makabangon ang mga taga-Leyte ngunit unti-unti nang bumubuti ang kanilang kalagayan sa tulong na rin ng iba pang mga kababayan.

 “Nakita nila ako at nakangiti sila. Pagkakita pa lang nila sa akin, talagang parang maagang dumating ang Pasko sa kanila,” kwento ni Derek.

Kasama ang mga Kapatid stars na sina Akihiro Blanco, Nicole Estrada, at Empoy Marquez, nanguna si Derek sa pagpapasaya sa mga taga-Leyte sa pamamagitan ng isang espesyal na programang hatid ng TV5. Nagpamigay din ang mga Kapatid stars ng 300 rice buckets mula sa Alagang Kapatid Foundation, PLDT-Smart Foundation, One Meralco Foundation, at Philex Mining. Si Derek din mismo ang nanguna sa pamamahagi ng mga school kits para sa mga grade school students sa Pawing at Candahug Elementary Schools. Samantala, namahagi rin ang Alagang Kapatid ng mga pedicabs, mga barbeque at burger stands, at ilang mga baboy sa mga residente ng Palo, Leyte bilang bahagi ng livelihood rehabilitation program ng foundation. 

Aminado si Derek na nagbigay aral sa kanya ang nasabing pagbisita sa Leyte. “Bakit ko pa prinoproblema ang mga problema sa buhay ko na napakaliit?” ani Derek, sabay sa paghikayat sa kanyang mga kapwa artista na magbigay ng panahon sa mga kapatid na nasalanta ng trahedya. “Sana gawin natin ang makakaya natin to make sure na hindi makalimutan ng lahat ang mga kakababayan nating nasalanta ng Yolanda. They still need our help,” panawagan ng actor.                                      

vuukle comment

DEREK

DREAM DAD

KAPATID

LEYTE

SHOWTIME

VICE GANDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with