^

PSN Showbiz

Kris at Katrina wala nang lambingan at sex, friends na lang daw talaga

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Marahil kung may ibang lalaki na naging dahilan ng paghihiwalay nina Katrina Halili at Kris Lawrence, baka nasira pa ang friendship nila. Pero since wala namang third party na namagitan sa kanilang desisyon na maging magkaibigan na lang muna sila, walang nasirang relasyon. Patuloy pa rin ang komunikasyon nila ng singer. Halos araw-araw ay binibisita nito ang kanilang anak. Sabay din nilang pinagpaplanuhan kung paano nila ito palalakihin.

Aba eh, parang wala ring nag-iba, parang hindi naman sila hiwalay.

“Wala na kaming physical intimacy,” paliwanag ni Katrina. “’Yun ang kaibahan.  Magkaibigan na lang kami na parehong concerned sa future ni Katie. Okay naman ang set up namin. Walang nagrereklamo,” dagdag pa ni Katrina.

Direk Erik at Lovi ‘di dapat magtanim ng galit na pang-matagalan

Kalmado na si Direk Erik Matti. Paano ba naman, nakakita na siya ng kapalit ni Lovi Poe sa 2014 Metro Manila Film Festival (MMFF) entry nilang Kubot: The Aswang Chronicles. Sana naman kahit ano pa ang kahinatnan ng pelikula niya ay magbati pa rin sila ng aktres. Napakaliit lang ng mundo ng showbiz para manatili silang magkaaway.

Hindi artista kundi isang  beauty queen ang kapalit ni Lovi. With Direk Erik’s guidance, makakaarte rin ito at baka sumikat pang artista.

Kaye a-attend sa kasal ni Chito, isasama pa si Paul Jake

Hindi pa naman nangangarap ng kasal si Kaye Abad sa kanyang ex-PBB (Pinoy Big Brother) boyfriend na si Paul Jake Castillo. “Bago pa lamang kami kaya wala munang kasal. Kapag nagkakilala na kami nang husto dun n’yo muli akong tanungin. Baka alam ko na ang sagot,” hiling ng napakagaling na aktres na imbitado sa kasal ng ex niyang si Chito Miranda. A-attend daw siya at isasama pa niya si Paul Jake.

Nora bumisita sa Tacloban

O hayan, may bagong movie ang Superstar na si Nora Aunor kay Brillante Mendoza. Ito ang Yolanda na sa titulo pa lamang ay alam mo na agad kung tungkol saan. Nasa Tacloban ang grupo ni Nora dahil sinisimulan na nila ang pelikula. After ng sunud-sunod na magagandang movies ng Superstar. Makakaasa ang manonood ng isa pang dekalibreng proyekto. Pero paano siya makakaalis para magpaopera ng lalamunan niya kung sunud-sunod ang shooting niya?

vuukle comment

ASWANG CHRONICLES

BRILLANTE MENDOZA

CHITO MIRANDA

DIREK ERIK

ERIK MATTI

KATRINA HALILI

KAYE ABAD

PAUL JAKE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with