^

PSN Showbiz

Jolina, pwede nang mag-pelikula sa Star Cinema

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nakakwentuhan namin si Jolina Magdangal sa 1st anniversary ng Fanatxt kung saan ito ang number one sa nakakatanggap ng may pinakamaraming text messages na umaabot sa 140,000.

Masaya nitong ibinalita na siya ang magiging host ng StarStruck Teeners. Hindi lang siya magho-host nito kundi kakanta siya at sasayaw din.

Nag-audition din pala siya sa Darna at ewan kung nagbibiro ito nang sabihin na sakaling siya ang mapili ay casual suit ang isusuot niya at hindi yong seksing costume nito. Pero okey naman daw kung magpa-sexy siya sakaling mapiling Darna.

Kahit freelancer ito sa pelikula, pwede siyang gumawa ng movie sa Star Cinema dahil maraming mga fans ang humihiling sa pagbabalik-tambalan nila ni Marvin Agustin.

James, Sa Siyete Pa Rin! Akala namin ay lumipat na sa Dos si James Blanco dahil napapanood namin ito sa ilang programa doon. Pero ayon sa aktor ay hindi siya aalis sa Siyete dahil masaya siya rito at suportado siya ng network.

May pelikula itong entry sa Metro Manila Film Festival titled Sigaw ng MAQ. Tapos na ang syuting nito. Maswerte sa mga film festival ang aktor dahil laging may pelikula ito na kasama sa taunang pagdiriwang.

Gabby, Happy Sa GMA Kung halos lahat ng kamag-anak ni Gabby Eigenmann ay lumipat na sa Dos gaya nina Ryan, Geof, Sid at AJ Eigenmann pati na ang mga baguhang artistang bagets na anak ni Bing Pimentel ay nananatili naman ang loyalty nito sa GMA 7.

"Happy na ako rito, Tita dahil todo ang suporta na ibinibigay sa akin ng Siyete. Maganda ang samahan namin ng mga artista kaya type kong manatili na lang dito. Hindi naman ako nawawalan ng proyekto gaya ng soap opera at SOP. Kasama ako sa Forever na tatampukan nina Regine Velasquez, Richard Gomez at Ariel Rivera. Kaibigan ko dito si Richard," aniya.

Baka gawin niya ang second album niya next year. May show ito sa Lucena ngayong Oktubre.

Isa si Gabby sa maaaring maging textmates ng mga fans sa pamamagitan ng Fanatxt. at ipadala sa 4627 para sa Smart o Talk n Text o sa 2364 para sa Globe subscribers.

Blind Item: Sumisikat Na Young Actor, Bading Din? Magkakatabi kami sa mesa ng mga kapatid sa hanapbuhay sa isang presscon nang lumapit sa amin ang isang bagets na nanalo sa isang talent search ng isang major network. Bineso-beso niya kami isa-isa at iisa ang pahayag ng magkakatabing writer na may pagka-bading din pala ito dahil sa kakaibang kilos kung saan panay din ang tikwas ng mga darili nito.

vuukle comment

ARIEL RIVERA

BADING DIN

BING PIMENTEL

BLIND ITEM

DARNA

FANATXT

GABBY EIGENMANN

HAPPY SA

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with