^

PSN Showbiz

Miriam, Hans, may romansa?

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Marami ang nagtatanong kung totoo nga na may namumuong relasyon kina Miriam Quiambao at Hans Montenegro.

May nakapagsabi na ilang beses nilang nakikita na dumadalaw sa tahanan ng mga Quiambao ang guwapong TV host.

Diumano, noong wala pa sa showbiz ang dating beauty queen ay may crush na ito kay Hans kaya nang magkasama sa Unang Hirit ay lalong nagkalapit ang kanilang kalooban.

Kahihiwalay lang ni Miriam sa kanyang boyfriend. Umatras din siya sa supposed wedding nila.

Sa kabilang banda ay nilalakad naman ni Hans ang divorce papers nila ng asawa na naka-based sa US kasama ang kanilang anak.

Baka sa dakong huli ay ang dalawang TV hosts din ang magkatuluyan.
Awitin ni Angelika, nasa Top 12 ng Recording Chart sa Japan
Hindi lang magaling na artista si Angelika dela Cruz kundi isa ring magaling na singer. Katunayan ang kanyang awiting "In My Dream" ay namamayagpag sa Japan. Nasa top 12 ito ng recording chart doon. Kagagaling lang ng aktres sa nasabing bansa noong isang buwan para ipromote ang album. Naging abala siya sa mga TV at radio guesting.

Magbabalik-sigla naman ang kanyang movie career dahil may gagawin siyang proyekto sa Solar Films at may offer din bilang pambatong bituin ng Viva Films. Natagalan din bago nasundan ang Death Row dahil talagang namimili sila ng tamang proyekto. Ratsada naman sa telebisyon si Angel at humahataw sa rating ang kanyang soap opera. Sa biglang pagkawala sa eksena ng kaparehang si Sherwin Ordoñez ay itinatambal naman sa kanya si Russel C. Mon na matindi noon pa man ang paghanga sa magandang aktres. Habang tumatagal ay nakikilala niya ang totoong Angelika at hanga siya sa pag-uugali nito.

"Balak ba niyang ligawan ang aktres?" tanong namin sa aktor. "Ayokong masira ang maganda naming pagkakaibigan. Baka sabihin niya na nagte-take advantage ako. Isa pa bago pa lang kaming magkakilala. Baka makasira ito sa pagiging close namin ngayon," anang aktor.

Sa kabilang banda naman ay okey lang kay Angelika kung ipareha siya kay Russel at iginagalang niya ang magiging desisyon ng GMA 7.
Daisy, Recording Artist na!
Kamakailan ay pumirma si Daisy Reyes ng recording contract sa Dyna Music. Malapit nang ilunsad ang kanyang unang album. Excited na ang magandang aktres na makita ang kanyang larawan sa cover ng album. Inihahanda ang mga awiting nakakatulad sa istilo nina Jennifer Lopez at Alannis Morisette.

Hindi nawawalan ng pelikula si Daisy dahil magaling siyang umarte. Sa Parehas ang Laban under Solar Films ay gagampanan niya ang papel bilang asawa ni Ian Veneracion.

Naging maintriga noon ang buhay ni Daisy bilang Bb. Pilipinas! Bagaman at nalampasan niya ang intrigang ito at hindi siya pinalad sa beauty pageant ay naging matagumpay naman siyang artista at dahil sa sipag at tiyaga ay nakapagpundar ng negosyo katulong ang nobyong si Robert Duat. Sa kasalukuyan ay franchisee siya ng Mr. Wash Laundry Shop bukod pa sa pagiging distributor ng San Miguel Beer.
Albert, lalong nakikilala sa Soap Opera
Malaki ang naitutulong ng soap opera para makilalang lalo ang isang artista. Tinatawag sila ng pangalang ginagamit sa serye. Ganito ang nararanasan ni Albert Martinez kung saan tinatawag siyang Ferdinand Fuentebella dahil sa role niya sa Ikaw Lang Ang Mamahalin. Kahit saan siya magtungo ay ito ang tawag sa kanya ng mga tao.

Kasali si Albert sa isang mini-series sa RPN 9 na pinamagatang Isang Butil ng Pangarap na isang information campaign ng gobyerno tungkol sa pagsasaka.
Toni-Dingdong, may Telesine sa Tate
Tiyak na malulungkot ang mga tagahanga ni Antoinette Taus dahil sa katapusan ng buwan ay aalis muli ang young actress patungong Amerika. Magsisimula na kasi ang klase sa Setyembre. Nag-aaral doon si Toni. Susunod ng US si Dingdong Dantes dahil balitang may gagawin silang telesine.

Habang nasa bansa ay panay ang TV appearances ni Toni. Madalas siyang pasyalan sa taping ng boyfriend. Sey nga ni Dingdong ay lagi silang lumalabas ni Toni at walang ginawa kundi kumain nang kumain sa paborito nilang resto.
Blind Item: Tuloy pa rin ang relasyon ng 2 sikat na Celebrities
Nabalita na hiwalay na ang dalawang sikat na celebrities na magkasama sa isang TV show. Mayroon daw nililigawang non-showbiz ang sikat na aktor-TV host na ikinaseselos ng seksing aktres at TV host din. Pero, may nakakita sa dalawa sa isang malayong lalawigan nang maging guest doon ang aktor. Hindi akalain ng mga tagaroon na magkasamang dumating doon ang dalawa at naglalampungan pa ayon sa aming source.

Tuloy pa rin pala ang relasyon ng dalawa. Pinalalabas lang na may kanya-kanya na silang mahal para iligaw ang tao at mapaganda ang imahe ng babae. Pinasisikat kasi ng husto ang seksing aktres ng isang major TV network.

vuukle comment

ALANNIS MORISETTE

ALBERT MARTINEZ

ANGELIKA

ANTOINETTE TAUS

CENTER

ISANG

SOLAR FILMS

TONI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with