^

Probinsiya

Extortionist dedo sa encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Napaslang ang isang itinuturing na extortionist ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) matapos makasagupa ang tropa ng mga sundalo sa Brgy, Nipa, Palapag, Northern Samar nitong Sabado.

Sa report ng 8th Infantry Division (ID) ng Philippine Army, nangyari ang sagupaan sa nasabing lugar matapos na magresponde ang tropa ng militar sa natanggap na impormasyon hinggil sa pangha-harass ng mga rebelde sa mga residente ng komunidad.

Ang naturang grupo ng mga rebelde ay nangongotong ng pagkain at pera sa mga magsasaka gayong hindi pa nakakabawi ang mga residente dito sa tinamong pinsala sa pananalasa ng magkakasunod na bagyong Tino at super typhoon Uwan.

Bago ito, nakatanggap ng impormasyon ang militar hinggil sa pangha-harass ng mga armadong rebelde sa komunidad kung saan kinokotongan umano ng pagkain at pera ang mga magsasaka sa Brgy. Nipa.

Gayunman, papasok pa lamang ang mga sundalo sa nasabing lugar ay sinalubong na sila ng pagpapaulan ng bala ng mga rebelde sanhi ng bakbakan habang nagsagawa ng air support ang helicopter ng Philippine Air Force (PAF).

Sa kasagsagan ng palitan ng putok, tumimbuwang ang isang rebelde na ang bangkay ay inabandona ng mga nagsitakas na kasamahan.

NPA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with