_ngayon
^

Probinsiya

Rapist sa babaeng may kapansanan,naaresto

Victor Martin - Pilipino Star Ngayon
Rapist sa  babaeng may kapansanan,naaresto
Kinilala ng San Pablo PNP ang nadakip na akusado na si Mario Mamauag, top 6 most wan­ted sa Cagayan Valley (Region2) at residente ng Barangay Lamo, Dupax del Norte sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.
STAR/File

SANTIAGO CITY, Isabela – Dinakip ng mga otoridad sa lalawigan ng Nueva Vizcaya ang 58-anyos na lalaki na itinuturong gumahasa sa isang may kapansanan sa bayan ng San Pablo sa lalawigang ito kamakalawa ng umaga.

Kinilala ng San Pablo PNP ang nadakip na akusado na si Mario Mamauag, top 6 most wan­ted sa Cagayan Valley (Region2) at residente ng Barangay Lamo, Dupax del Norte sa lalawigan ng Nueva Vizcaya.

Ayon kay P/Col. Andree Abella, taga-pagsalita ng Police Regional Office 2 (PRO2), si Mamuag ay dinakip sa bisa ng warrant of arrest na isinilbi ng pinagsanib na pwersa ng Dupax del Norte PNP, Nueva Vizcaya Provincial Intelligence Unit (NVPIU), Criminal Investigation and Detection Group NV-Field Unit, 2nd NV Provincial Mobile Force Company, Isabela Police Provincial Office at San Pablo PNP matapos makumpirma ang kanyang pinagtataguan sa nasabing lugar.

Batay sa arrest warrant na ipinalabas ni Judge Romeo Habbiling ng Regional Trial Court Branch 37, Bayombong, Nueva Vizcaya, si Mamuag ay nahaharap sa 2 counts of rape dahil sa panggagahasa sa isang 17-anyos na pipi at bingi sa bayan ng San Pablo kung saan walang inirekomendang piyansa ang korte para sa kanyang paglaya.

PRO2
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with