^

Probinsiya

Trader inutas sa ‘onsehan sa droga’

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines — Bulagta ang isang negosyante matapos na abangan ang paglabas nito ng kanyang tindahan saka pinagbabaril ng isang lalaki na nagkunwari pang kustomer kamakalawa ng gabi sa Brgy. Zapote 1, Bacoor City.

Kinilala ang nasawi na si Ricardo Tipawan ng #318 Zapote 1, Bacoor City na may rekord umano sa pulisya at dalawang beses nakulong dahil sa droga o paglabag sa R.A. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

Natukoy naman ang suspek sa pagpatay na si Rackman Rakim Undac, nasa hustong gulang, residente ng #220 kablusan St., Brgy Zapote 2, Bacoor City na pinaghahanap na ng awtoridad.

Sa ulat ni Pat Marco Romero Cupo, alas-7:45 ng gabi habang nasa loob ng kanyang tindahan ang biktima nang dalawang beses pang bumili ng si­garilyo ang suspek dito at tila hinihintay na lumabas ang una mula sa loob. Namataan pa ang suspek na nakaupo sa motorsiklo nito habang naninigarilyo sa ‘di kalayuan ng sari-sari store ng biktima.

Gayunman, nang lumabas ang biktima sa tindahan, dito na siya nilapitan ng suspek at sunud-sunod na pinaputukan ng baril. Nang tumimbuwang ang biktima, mabilis na tumakas ang suspek sakay ng motorsiklo.

Onsehan sa droga ang tinitingnang anggulo ng pulisya na posibleng motibo sa pagpatay dahil sa dating kaso ng biktima.

vuukle comment

DROGA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with