^

2 pang mayor nagpositibo sa COVID-19

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - April 18, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Dalawa pang alkalde ang naidagdag sa talaan ng mga opisyal ng pamahalaan na tinamaan ng COVID-19.

Kinilala ang mga alkalde na kasalukuyan nang naka-isolate na sina Lagawe, Ifugao Mayor Martin Habawel Jr. at Sta. Maria, Bulacan Mayor Russel “Yoyoy” Pleyto.

Sa kanyang social media advisory, kasama ni Mayor Habawel ang misis na nagpositibo sa COVID. Aniya, Abril 13 nang magsimulang mangati ang lalamunan ng misis niyang si Aimee at kalaunan ay dumanas na ng ubo at pananakit ng katawan kaya nagpasailalim sa RT-PCR test at lumabas ang resulta nitong Biyernes na postibo sila sa virus.

Inanunsyo naman sa social media ni Sta. Maria Mayor Russel “Yoyoy” Pleyto na nagpositibo siya sa COVID-19 matapos na magpa-swab test nang makaranas ng lagnat at iba pang sintomas.

Si Pleyto ay ang pang-anim na alkalde sa Bulacan na nagkaroon ng COVID-19 virus kabilang sina Baliuag Mayor Ferdie Estrella, Bulacan Mayor Vergel Meneses, Balagtas Mayor Eladio Gonzales Jr., Bocaue Mayor Jose Santiago at San Ildefonso Mayor Carla Galvez-Tan. Noong Setyembre ng nakaraang taon, nagpositibo rin sa nasabing virus si Gobernador Daniel Fernando. – Omar Padilla

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with