Ex-tserman niratrat ng 2 tandem
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - November 30, 2019 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines — Isang dating kapitan ng barangay ang nasawi matapos ratratin ng dalawang riding-in-tandem habang sakay ng kanyang motorsiklo naganap sa Brgy. Palawig, Sta. Ana, Cagayan, noong Hu­webes.

Ang nasawing biktima ay si Dionilo Poblete, 57-anyos, dating chairman ng Brgy. Patunungan.

Ayon sa report, sinabayan ng mga suspek na sakay ng dalawang motorsiklo ang biktima saka ito pinagbabaril sa ulo dakong alas-11:00 ng umaga.

Agad namatay si Poblete habang natumba ang motorsiklong angkas si Lodrigo Bumanglag.

Narekober sa lugar ang P272, 500 cash at mga titulo ng lupa na nakasilid sa bag ni Poblete habang hindi pa makausap nang matino si Bumanglag na natulala sa pangyayari.

Natagpuan din ang dalawang basyo ng cal.45 boga na tumapos sa buhay ng dating opisyal.

Inaalam pa ng mga imbestigador ang motibo sa krimen.

KAPITAN RIDING IN TANDEM
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with