Nakilala ang biktima na si Edgar Lucero, 53-anyos, may asawa at taga-Brgy. Namnama, Lamba­yong, Sultan Kudarat.
Ex-mayoralty candidate itinumba
Rhoderick Beñez (Pilipino Star Ngayon) - July 16, 2019 - 12:00am

NORTH COTABATO  , Philippines  —  Dead-on-the-spot ang isang dating kandidato sa pagka-alkalde ng nagdaang eleksyon makaraang tambangan at pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Lamba­yong, Sultan Kudarat, Maguindanao noong Linggo ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Edgar Lucero, 53-anyos, may asawa at taga-Brgy. Namnama, Lamba­yong, Sultan Kudarat.

Sa report ng Lambayong Police, sakay ng kanyang motorsiklo ang biktima at angkas pa ang dalawang anak nang pagbabarilin ng mga suspek sa national highway na bahagi ng Brgy. Didtaras, nasabing bayan, alas-9:30 ng umaga.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa ulo, mukha at dibdib si Lucero na naging dahilan ng kanyang agarang kamatayan.

Nasa ligtas namang kalagayan ang kanyang mga anak bagama’t nagtamo ng mga galos at sugat sa katawan matapos na matumba ang kanilang sinasak­yang motorsiklo.

Nabatid na matagal nang nakatatanggap ng pagbabanta sa buhay si Lucero ngunit hindi nito pinansin at hindi rin ipinagbigay-alam sa pulisya.

CRIME EDGAR LUCERO SHOOTING
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with