Bumulagta ang tatlong hinihinalang miyembro ng “gun-for-hire group” matapos na umano’y makipagbarilan sa mga awtoridad sa San Pablo Nayon, Sto. Tomas, Batangas kahapon.
Kuha ni Edd Gumban
3 ‘gun-for-hire’ utas sa shootout
Gemma Amargo-Garcia (Pilipino Star Ngayon) - July 8, 2019 - 12:00am

MANILA, Philippines — Tatlong hinihinalang kasapi ng “gun-for-hire group” ang napatay matapos na umano’y makipagbarilan sa mga otoridad sa Brgy. San Pablo Nayon, Sto. Tomas, Batangas.

Ayon kay Police Lt. Col. Rey Ochavo, hepe ng Sto. Tomas Police, nakatanggap sila ng ulat  na may mga armadong lalaki na kahina-hinala ang kilos sa kanilang lugar kaya agad na rumesponde ang mga pulis dakong alas-4:30 ng hapon noong Sabado at nadatnan pa nila ang mga suspek kaya nakipagnegosasyon sila ng halos ilang oras para sila ay sumuko.

Gayunman,  dakong alas-11 ng gabi nang nagsisigaw umano ang mga suspek na hindi sila susuko at salitang “Allahu Akbar” sabay nagpaputok ng kanilang mga baril kaya napilitang gumanti ng putok ang mga pulis.

Napuruhan ang tatlo na walang makitang pagkaka­kilanlan na naging sanhi ng kanilang kamatayan.

Samantala, dalawang bata na naipit sa putukan ang nailigtas ng mga awtoridad na natapos kahapon ng madaling araw.

Sinabi ng presidente ng homeowners association sa naturang lugar, dumarating ang mga suspek tuwing hatinggabi sakay ng hindi malamang sasakyan.

SHOOTOUT
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with