^

Probinsiya

566 ‘pasaway’ huli sa Oplan Rody

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
566 âpasawayâ huli sa Oplan Rody
Sa ulat ni Sr. Supt. Chito Bersaluna, provincial director ng Bulacan Police, ang mga pasaway na indibidwal ay nasakote ng mga operatiba mula sa mga himpilan ng pulisya sa Baliwag, Bocaue, Bulakan, Bustos, Calumpit, Guiguinto, Malolos, Meycauayan, Pulilan, San Ildefonso, Pandi, Plaridel, Hagonoy, Marilao, Norzagaray, Balagtas, Obando, San Rafael, Paombong, San Jose Del Monte, Santa Maria, Angat, San Miguel at Doña Remedios Trinidad sa lalawigan.
File Photo

MANILA, Philippines — Umaabot sa 566 katao na karamihan ay mga tambay at pasaway ang nasakote ng mga elemento ng pulisya  sa  loob lamang ng magdamag na implementasyon ng “Oplan Rody” sa mga lumalabag sa ordinansa sa iba’t ibang lugar sa lalawigan ng Bulacan, ayon sa isang opisyal kahapon.

Sa ulat ni Sr. Supt. Chito Bersaluna, provincial director ng Bulacan Police, ang mga pasaway na indibidwal ay nasakote ng mga operatiba mula sa mga himpilan ng pulisya sa  Baliwag, Bocaue, Bulakan, Bustos, Calumpit, Guiguinto, Malolos, Meycauayan, Pulilan, San Ildefonso, Pandi, Plaridel, Hagonoy, Marilao, Norzagaray, Balagtas, Obando, San Rafael, Paombong, San Jose Del Monte, Santa Maria, Angat, San Miguel at Doña Remedios Trinidad  sa lalawigan.

Kabilang sa mga nasakote ng mga tauhan ng  1st at 2nd Provincial Mobile Force Company (PMFC) ay 157 menor-de-edad na lumabag sa curfew, 142 nag-iinuman sa mga lansangan, 70 na walang pang-itaas na damit na gumagala sa pampublikong lugar, 70 sa paglabag sa smoking ban at 127 sa paglabag sa iba pang ordinansa.

 Ayon kay Bersaluna, 530 sa mga naaresto ay pinayuhang umuwi na sa kanilang mga tahanan matapos nilang paalalahanan habang 36 pa ang ipinasa na sa barangay dahil sa paglabag sa mga ordinansa.

 Karamihan sa mga hinuli ay nagsagawa ng community service bilang parusa tulad ng paglilinis sa mga kalye bago sila pinauwi.

ANTI-TAMBAY CAMPAIGN

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with