P2-M naabo sa litsonan ng manok
Boy Cruz (Pilipino Star Ngayon) - January 8, 2019 - 12:00am

BULACAN  , Philippines  —  Tinatayang aabot sa P2-milyong halaga ng makina, ari-arian at paninda ang naabo matapos na sumiklab ang sunog sa isang kilalang litsonan ng manok sa Brgy. Sabang, bayan ng Baliwag, dito kamakalawa ng gabi. Walang nasaktan o nasawi sa naturang establisimyento na pag-aari ng negos­yanteng sina Virgilio Reymatias, 55, at kapatid na si Joselito, 51, kapwa mga ng Brgy. Sabang, sa naturang bayan. Sa ulat ni PO1 Darius Marcelo, dakong alas-9:45 ng gabi ay maagang nagsara ang magkapatid na negosyante matapos ang maghapong pagbebenta ng kanilang produkto at habang nasa ikalawang palapag na kasama ang mga stay-in worker ay nakaramdam sila ng mainit na paligid.

Nang tingnan ang ibabang bahagi ng inuupahang gusali ay nakitang malaki na ang apoy na kumakalat sa paligid. Sinubukang apulahin ang apoy gamit ang fire extinguisher subalit patuloy ang paglaki ng sunog na naging dahilan upang maglabasan na lamang sila at tumawag ng bumbero. 
 

FIRE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with