^

Probinsiya

Manager itinumba sa pick-up

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Isang flower farm manager ang pinagbabaril ng hindi pa kilalang suspek, kamakalawa ng umaga sa Sitio Le­m­blisong, Brgy. Kablon, Tupi, South Cotabato.

Ang nasawi ay kinilalang si Jeffrey Calanao, 31, ng General Santos City na ang bangkay ay natuklasan pasado alas-10:00 ng umaga sa loob ng umaandar nitong pick-up sa gitna ng pineapple plantation.

Kabilang sa mga narekober ng mga pulis sa crime scene ang relo,wallet na may mahigit P12,000 at cellphone nito.

Malaki ang hinala ng pulisya na may nakaalitan ang biktima na manager ng Eden Garden Park sa Tupi, South Cotabato na dinarayo ng mga turista dahil sa malawak na pataniman nito ng Chrysanthemum.

Hinala na maaring sinundan ng mga salarin ang biktima na papasok sa trabaho at pinagbabaril pagdating sa lugar.

vuukle comment

SHOT DEAD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with