^

Dating dugurista, nilikida

(Pilipino Star Ngayon) - October 23, 2017 - 4:00pm

LUCENA CITY, Quezon , Philippines  —   Hindi na nagising sa mahim­bing na pagkakatulog ng 42-anyos na pedicab driver na dating sangkot sa drug trade at sinasabing durugista matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki sa Purok 3A, Barangay Dalahican sa Lucena City, Quezon kamakalawa ng madaling araw. Kinilala ni P/Supt. Reynaldo Maclang, hepe ng pulisya sa Lucena City ang biktima na si Romeo del Mundo, 42, may asawa, ng nasabing barangay. Base sa imbestigasyon, dakong alas 2:30 ng madaling araw ay mahimbing na natutulog ang biktima sa loob ng kanyang kubo nang pasukin at pagbabarilin ng nag iisang suspek. Sa ulat ng pulisya, dating gumagamit at nasangkot sa drug trade ang biktima na sinasabing kabilang sa talaan ng drug personality. Itinanggi naman ng mga kamag-anak ng biktima kaugnay sa akusasyon sa kanya.

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with