^

Probinsiya

Mag-utol nilikida ng NPA

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

LEGAZPI CITY, Albay , Philippines  – Nilikida ang mag-utol na sinasabing notoryus na kawatan matapos itong dukutin sa kanilang bahay ay pinagbabaril pa ng mga rebeldeng NPA sa Sitio Colorada, Barangay Tibgao sa bayan ng Aroroy, Masbate kamakalawa ng gabi. Kinilala ang mag-utol na sina Rodolfo Villarin, 40; at Armando, Villarin, 37, kapwa inakusahang sangkot serye ng nakawan sa Brgy. Magdalena sa bayan ng Baleno, Masbate. Base sa police report na nakarating sa Camp Simeon Ola, pinasok ng mga rebelde ang bahay ng pamilya Villarin saka pinalabas ang mag-utol na kasalukuyang natutulog. Pinalakad ang mag-utol hanggang  sa dalampasigan kung saan sila pinagbabaril ng mga rebelde. Kaagad na sumaklolo ang mga kaanak pero patay na ang mag-utol habang tumakas naman ang mga rebelde.

NPA

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with