Board member, itinumba
Francis Elevado, Jorge Hallare (Pilipino Star Ngayon) - April 12, 2017 - 12:00am

LEGAZPI CITY , Philippines  - Bulagta ang 64-anyos na board member matapos itong pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa harap mismo ng kanyang opisina sa Barangay Pangpang sa Sorsogon City, Sorsogon kahapon ng umaga. Tatlong tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ni Bokal Pedro A. Ravanilla, nasa unang termino sa pagiging board member at ikatlo naman bilang city councilor at pinsan ng asawa ni DOT regional director Maria Nini Ravanilla ng Bicol. Base sa police report na nakara­ting sa Camp Simeon Ola, kausap ng biktima ang foreman na si Honorio Deniega kaugnay sa ginagawang gusali nang lapitan at pagbabarilin ng gunmen. Hindi pa nakuntento ay muling pinutukan sa ulo ng dalawang beses saka tumakas ang gunmen sakay ng motorsiklo. Sinisilip ng pulisya ang anggulong pulitika at negosyo ang isa sa motibo sa pamamaslang.

PEDRO A. RAVANILLA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with