^

Karnaper todas sa shootout

Boy Cruz at Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - February 1, 2016 - 9:00am

BULACAN, Philippines - Napatay ang isa sa apat na miyembro ng  carnapping gang  matapos itong maki­pagbarilan sa mga operatiba ng pulisya sa inilatag na PNP checkpoint sa Barangay Camias, bayan ng San Miguel, Bulacan kahapon ng umaga.

Sa police report na nakarating sa Camp Alejo Santos, nakatanggap ng flash-alarm ang San Miguel PNP kaugnay sa kinarnap na Fortuner (NIM 778) sa Cabanatuan City, Nueva Ecija.

Nabatid na huling na­mataang tumatahak ang SUV na kinarnap sa direksyon ng San Miguel, Bulacan.

Agad na naglatag ng checkpoint  ang San Miguel PNP kung saan namataan naman ng mga pulis ang kinarnap na Toyota Fortuner habang papalapit sa checkpoint pero nakababa ang apat sa mga ito na mabilis na nagsitakas.

Gayon pa man, sa halip na tumigil sa checkpoint ay nagtangka pang tumakas ang suspek na binangga ang signage at isang motorsiklo saka pinaputukan ang mga operatiba kaya humantong sa ilang minutong shootout.

Napatay naman sa shootout ang isa sa apat na karnaper kung saan narekober ang isang cal. 38 revolver habang patuloy na inaalam ang pagkakakilanlan ng karnaper.

ACIRC ANG BARANGAY CAMIAS BULACAN CABANATUAN CITY CAMP ALEJO SANTOS FORTUNER NAPATAY NUEVA ECIJA SAN MIGUEL TOYOTA FORTUNER
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with