_ngayon
^

Probinsiya

Dalaga nilamon ng alon

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines – Nauwi sa trahedya ang masayang outing ng magkakaibigan nang isa sa kanila ang nasawi matapos na hampasin at lamunin ng malaking alon sa isang beach resort sa Brgy. Malapad, kamakalawa ng tanghali.

Idineklarang dead-on-arrival sa Claro M. Recto District Hospital sanhi ng pagkalunod ang biktimang si Joy dela Cruz, dalaga, ng Maybangkal Parang Rizal.

Sa ulat ng pulisya, kumuha ng cottage alas-10:30 ng umaga sa D’Aplaya Beach Resort ang biktima at tatlo pang kasamahan upang ipagdiwang ang birthday ng kaibigan nilang overseas Filipino worker.  

Nagpaalam umano ang biktima sa mga kaibigan na maglalakad lamang sa tabing dagat subalit sinabihan siya na huwag lumayo dahil malakas ang ulan gayundin ang hampas ng alon sa dalampasigan. Maya-maya ay nakita na lamang ang biktima na hinampas ng malakas na alon patungo sa batuhan hanggang sa mawalan ng malay at tuluyang lumubog. 

Agad na rumesponde ang mga kawani ng MDDRMC at narekober ang biktima subalit nalagutan rin siya ng hininga kinalaunan.

ANG APLAYA BEACH RESORT BRGY CLARO M CRUZ IDINEKLARANG MALAPAD MAYBANGKAL PARANG RIZAL NAGPAALAM NAUWI RECTO DISTRICT HOSPITAL
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with