_ngayon
^

Probinsiya

P.1-M ari-arian, nilimas

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

BULACAN, Philippines – Aabot sa P.1 milyong halaga ng ari-arian ang nalimas matapos looban sa ikaapat na pagkakataon ang isang cellphone shop sa harap mismo ng himpilan ng PNP Traffic Division sa Barangay Guinhawa, Malolos City, Bulacan kahapon. Base sa imbestigasyon nina PO3 Ardon Ahamad at PO1 Johnson Morecho, bandang alas-9 ng umaga nang madiskubre ng katiwalang si Niño Agatep ang nakawan sa PhoneWorld Celpone Shop na pag-aari ni Leilani Fenix. Nabatid na winasak ang bubungan ng shop saka pumasok ang mga kawatan kung saan nilimas ang 17 yunit ng cellphone, 37 memory cards, 23 USB, at hindi pa mabatid na halaga. Napag-alaman may mga CCTV camera sa loob ng nasabing shop subalit hindi umaandar kung saan sinisilip ng pulisya ang anggulong inside job.

 

AABOT AGATEP ANG ARDON AHAMAD ATILDE BARANGAY GUINHAWA CELPONE SHOP JOHNSON MORECHO LEILANI FENIX MALOLOS CITY TRAFFIC DIVISION
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with