MMDA, wagi muli sa FOI Awards!

MANILA, Philippines — Nagkamit ng 1st Runner-Up FOI Champion ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa 2026 Freedom of Information (FOI) Awards ng Presidential Communications Office (PCO) na ginanap noong Huwebes, Nobyembre 26, sa Sheraton Manila Hotel, Pasay City.
Kinilala ang MMDA dahil sa QR code system nito na nagbibigay sa publiko ng mabilis at madaling access sa mga madalas hinihinging dokumento at public records.
Dagdag ito sa sunud-sunod na tagumpay ng ahensya — FOI Champion mula 2018 hanggang 2020, FOI Hall of Fame noong 2020, at FOI Commitment to Excellence Award noong 2021 at 2022.
Sa ngalan ni MMDA Chairman Atty. Don Artes, tinanggap ni Deputy Chairman Usec. Frisco San Juan Jr. ang parangal.
Nagpasalamat si Artes kay PCO Acting Secretary Lino Cayetano at tiniyak ang patuloy na commitment ng MMDA sa transparency, accountability, at karapatan ng publiko sa impormasyon.
- Latest





















