_ngayon
^

Lola pinisak ang ulo

Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - December 22, 2015 - 9:00am

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines – Brutal na kamatayan ang sinapit ng 60-anyos na lola matapos itong bagsakan ng tangke ng liquified petroleum gas (LPG) ng pinaniniwalaang akyat bahay sa kanyang tindahan sa Barangay Centro 2, bayan ng Luna, Isabela kamakalawa ng gabi. Pisak ang ulo ng biktima na si Virgie Ramones na naliligo sa sariling dugo nang datnan ng anak nitong si Wilbie Grace Ramones dakong alas-7:15 ng gabi. Sa salaysay ng anak kay PO2 Pancho Cortez, bago maganap ang krimen ay binalaan siya ng ina sa naglalako ng bangus na may hindi pagkakatiwalaang pagmumukha na umaaligid sa kanilang tindahan bago ito nagsimba dakong alas-6 ng gabi. May teorya ang pulisya na nanlaban ang matanda at walang makitang pamalo ang suspek kaya ang LPG tank ang naisipan nitong ibagsak sa ulo ng biktima saka tumakas. Patuloy na inaalam ng pulisya ang pagkakakilan-lan sa suspek na fish vendor.

ALAS ANAK ANG BARANGAY CENTRO GABI ISABELA PANCHO CORTEZ PATULOY PISAK VIRGIE RAMONES WILBIE GRACE RAMONES
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with