Coed pisak sa killer bus
Cristina Timbang (Pilipino Star Ngayon) - November 22, 2015 - 9:00am

CAVITE, Philippines – Patay ang 18-anyos na kolehiyala matapos itong masagasaan ng pampasaherong bus sa kahabaan ng Aguinaldo Highway sa Barangay Anabu II D sa Imus City, Cavite, kamakalawa. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Chrislyn Leyva, dalaga, at nakatira sa Mallari Subdivision sa Barangay Malagasang 1st sa nasabing lungsod. Nasakote naman ng pulisya ang driver ng bus na si Dennis Castro Pelayo, 34, may asawa at nakatira sa Sitio Bugaan, Barangay 3 sa bayan ng Alfonso, Cavite.  Sa police report na isinumite sa Camp Pantaleon Garcia, tumatawid ang biktima sa nasabing highway nang salpukin ng pampasaherong bus na minamaneho ng suspek. Nabatid na nag-overtake ang bus sa sinusundang jeepney kaya hindi nito napansin ang pagtawid ng biktima. Sa halip na tumigil ay humarurot patakas ang bus kaya agad namang hinabol at nasakote ang driver.

AGUINALDO HIGHWAY ANG BARANGAY ANABU BARANGAY MALAGASANG CAMP PANTALEON GARCIA CAVITE CHRISLYN LEYVA DENNIS CASTRO PELAYO IMUS CITY MALLARI SUBDIVISION SITIO BUGAAN
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with