Nurse nalunod sa talon
Victor Martin (Pilipino Star Ngayon) - November 21, 2015 - 9:00am

NUEVA VIZCAYA, Philippines – Nauwi sa trahedya ang masayang picnic ng magkakaibigan matapos malunod ang 26-anyos na dalagang nurse sa Mapalyao Falls sa Barangay San Juan sa bayan ng Quezon, Nueva Vizcaya kamakalawa ng hapon. Sa ulat na isinumite kay P/Senior Insp. Ferdinand Laudencia, hepe ng Quezon PNP, kinilala ang biktima na si Aprilyn Carpo ng PLTC Hospital at nakatira sa Barangay Osmeña, bayan ng Solano, Nueva Vizcaya. Sa inisyal na ulat ng pulisya, nag-picnic ang biktima kasama ang ilang kamag-anak at kaibigan sa Mapalyao Falls. Gayon pa man, dakong alas-3:30 ng hapon nang mag-dive ang biktima sa malalim na bahagi ng talon. Subalit hindi na ito lumutang kaya agad na sinaklolohan ng mga kaibigan. Naisugod naman sa pinakamalapit na ospital ang biktima subalit idineklarang patay.

ANG APRILYN CARPO ATILDE BARANGAY OSME BARANGAY SAN JUAN FERDINAND LAUDENCIA GAYON MAPALYAO FALLS NUEVA VIZCAYA QUEZON SENIOR INSP
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with