^

Probinsiya

Drug den sa Lucena nabuwag, 3 timbog

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon
Drug den sa Lucena nabuwag, 3 timbog
Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Quezon Provincial Office, isinagawa ang operasyon dakong alas-6:43 ng gabi na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong suspek na kinilala sa mga alyas na Manny, 53; Makoy, 25; at Lorenz, 21, na pawang residente ng nasabing lugar.
Boy Santos

LUCENA CITY, Philippines — Nabuwag ng mga awtoridad ang isang drug den at tatlong kalalakihan na sangkot sa pagtutulak at paggamit ng iligal na droga ang naaresto sa isinagawang anti drug operation sa Purok 1A Barangay Dalahican sa lungsod na ito, kamakalawa ng gabi.

Ayon sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Quezon Provincial Office, isinagawa ang operasyon dakong alas-6:43 ng gabi na nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong suspek na kinilala sa mga alyas na Manny, 53; Makoy, 25; at Lorenz, 21, na pawang residente ng nasabing lugar.

Itinuturing na tagapangasiwa o maintainer ng hinihinalang drug den si alyas Manny, habang sina Makoy at Lorenz ay hinihinalang gumagamit ng iligal na droga.

Pinangunahan ang operasyon ng PDEA Quezon Provincial Office, katuwang ang PDEA Marinduque Provincial Office, Philippine Coast Guard-Southern Quezon, PCG-Intelligence Unit, at ­Quezon Maritime Police Station.

Nakumpiska sa operasyon ang nasa 11 gramo ng hinihinalang shabu na may halagang P74,800, bukod pa sa mga drug paraphernalia at perang ginamit sa buy-bust operation.

Nahaharap ang mga suspek sa mga kasong paglabag sa Sections 5, 6, 7, 11 at 12 ng Article II ng Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

ARRESTED

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with