2 Romanian tiklo sa cyber crime

Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - November 2, 2015 - 9:00am

MANILA, Philippines – Kalaboso ang dalawang Romanian na sinasabing mi­yembro ng notoryus na cyber crime syndicate na sangkot sa pagnanakaw sa automated teller machine (ATM) ang nasakote ng pu­lisya sa isinagawang ope­rasyon sa Barangay Tipolo, Mandaue City sa Cebu noong Sabado ng gabi.

Sa police report na isi­numite sa Camp Crame, isinailalim sa isang buwang intelligence build-up at surveillance operation ang mga suspek na sina Petru Loan Uveges, 43; at Stefania Mihaela Osman, 36.

Naaktuhan ang mga suspek habang nagwi-withdraw ng  pera sa ATM gamit ang mga cards na illegal na napasakamay ng mga ito.

Nasamsam sa mga suspek ang P52,000 at 67 Bri­tish export cards, MetroBank Master card na nakapangalan kay Uveges, UniCredit Tiriac Bank at tatlong Security Bank ATM cards.

Samantala, narekober din ang tig-P10,000 slip sa transaksyon sa Metro Rewards card na nakapa­ngalan naman kay Osman, Rustan’s card na nakapa­ngalan kay Mihaela Paroan, Romanian drivers license  na nasa pangalan din ni Osman, driver’s license, kulay puting Toyota Innova, mobile phones at iba pa.

Ayon pa sa pulisya, ang mga suspek ay miyembro ng Romanian Cyber Crime syndicate na may modus operandi sa Cebu.

Naunang nasakote ang isa pang miyembro ng sindikato na si Gheoghe Adelin Stretsu noong Setyembre 2015.

ACIRC ANG BARANGAY TIPOLO CAMP CRAME CEBU GHEOGHE ADELIN STRETSU MANDAUE CITY METRO REWARDS MIHAELA PAROAN OSMAN PETRU LOAN UVEGES
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with