Ex-Marine itinumba
Joy Cantos (Pilipino Star Ngayon) - August 12, 2015 - 10:00am

MANILA, Philippines – Napatay ang dating sundalo ng Philippine Marines matapos itong pagbabarilin ng hindi kilalang lalaki habang nanonood ng telebisyon sa bahay ng kaniyang kaibigan sa Mangga; Drive, Baliwasan sa Zamboanga City, Zamboanga del Sur kamakalawa ng hapon. Sa police report na isinumite sa Camp Crame, bumisita ang biktimang si Gilbert “Spike” Baez sa bahay ng kaibigang si Ernseto Fernandez kung saan ay halos isang oras na itong naghihintay ay hindi pa dumarating. Gayon pa man, pansamantalang iniwan ng misis si Baez sa bahay upang hanapin naman si Ernesto. Subalit ilang minuto ang nakalipas ay biglang sumulpot ang gunman saka pinagbabaril ang biktimang nakahiga sa sofa ng bahay ng kaibigan. Narekober ng pulisya sa crime scene ang mga basyo ng bala ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang pagsisiyasat.

ANG BAEZ BALIWASAN CAMP CRAME ERNESTO ERNSETO FERNANDEZ GAYON MANGGA NAPATAY PHILIPPINE MARINES ZAMBOANGA CITY
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with