^

Probinsiya

2 kidnaper na Sayyaf, arestado

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Arestado ang dalawang bandidong Abu Sayyaf na sangkot sa serye ng kidnapping sa isinagawang operas­yon ng mga awtoridad sa liblib na bahagi ng Barangay Sangali sa Zamboanga City noong Lunes ng hapon.

Isinailalim sa tactical interrogation ang mga suspek na sina Jimmy “Abu Doc” Nurilla, 34; at Bakrin Haris na kapwa tauhan nina Abu Commander Furuji Indama at Kumander Khair Mundos.

Inaresto ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ng Zamboanga City Regional Trial Court Branch 16.

Gayon pa man, nakatakas ang dalawa pang kidnaper na kasamahan ni Nurilla na sina alyas Wahid at Leo.

Base sa record, sina Nurilla at Haris ay sangkot sa pagdukot sa Australyanong si Warren Rodwell sa bayan ng Ipil, Zamboanga Sibugay noong Disyembre 2011 kung saan pinalaya matapos ang 15-buwan pagkakabihag.

Sangkot din ang grupo ng dalawa sa pagdukot sa 14-anyos na si Kevin Luns­man noong Hulyo 2011 na nakatakas matapos ang 5-buwan.

Maging ang pagdukot sa pamangkin ni dating ARMM regional director (ret) Chief Supt. Sukarno Ikbala na si Sabrina Voon sa Zamboanga City noong Pebrero 2014 na hawak pa rin sa kasalukuyan at ang gurong si Cathy Casipong ng Sibogtok Elementary School sa Limaong Island na kinidnap naman noong Disyembre 2013.

vuukle comment

ABU COMMANDER FURUJI INDAMA

ABU DOC

ABU SAYYAF

BAKRIN HARIS

BARANGAY SANGALI

CATHY CASIPONG

CHIEF SUPT

NURILLA

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with