PNP Cordillera handa sa CARAA
Raymund Catindig (Pilipino Star Ngayon) - February 13, 2013 - 12:00am

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Nakahanda na ang  sanlibong kapulisan at kagawad ng barangay police force sa pagpapatupad ng seguridad sa gaganaping kauna-unahang palaro ng Cordillera Administrative Region Athletic Association (CARAA) sa bayan ng Luna, Apayao sa Pebrero 27. Sinabi ni Apayao PNP Director P/Senior Supt. Albertlito Garcia, sa unang pagkakataon ay magiging punong abala ang probinsiya mula nang maitatag ito noong Valentine’s Day (Peb.14,1995). Ayon kay Garcia, nakahanda na ang security details sa pagbabantay ng may 5,000 delegasyon ng manlalaro mula sa Apayao at mga lalawigan ng Abra, Benguet, Kalinga, Ifugao, Mt Province at ng Baguio City.

ABRA ALBERTLITO GARCIA APAYAO AYON BAGUIO CITY BENGUET CORDILLERA ADMINISTRATIVE REGION ATHLETIC ASSOCIATION DIRECTOR P GARCIA MT PROVINCE SENIOR SUPT
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with