_ngayon
^

2 big time drug pusher, huli

Boy S. Cruz (Pilipino Star Ngayon) - November 3, 2012 - 12:00am

KAMPO ALEJO SANTOS, Malolos City, Philippines – Naaresto ng mga operatiba ng pulisya ang dalawang pinaghihinalaang notoryus na tulak kasunod ng pagkakasamsam sa mga ito ng mahigit P.2 M halaga ng droga sa magkakahiwalay na operas­yon sa lungsod kamakalawa.

Kinilala ang mga suspek na sina Richard “Majimbo” Freino, 34-anyos ng bayan ng Plaridel at Emiliano “Miling” Fidel, 63, ng  Meycauayan City .

Sa ulat ng pulisya bandang alas-4:10 ng hapon ng magsagawa ng buy-bust operation ang pulisya sa Brgy. Santisima ng lungsod pero nakatunog ang suspek na si Frieno na nasugatan sa pakikipagbarilan sa pulisya.

Hindi na nakapalag ang suspek ng makorner ng mga awtoridad.

Samantala dakong alas-7 naman ng gabi ay nagsagawa ng isa pang drug buy-bust operation ang mga tauhan ni P/Supt. Sydney Villaflor sa isang lugar sa Brgy. Libtong matapos na i-tip ito ng isang impormante ang pagbebenta ni Fidel ng shabu na nagresulta sa pagkakaaresto nito.

Narekober mula kay Freino ang P100,000 halaga ng shabu at isang cal.45 pistol habang P150,000 naman mula kay Fidel.

BRGY EMILIANO FREINO FRIENO KINILALA LIBTONG MAJIMBO MALOLOS CITY MEYCAUAYAN CITY SYDNEY VILLAFLOR
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with