POGO gawin nang ilegal
Napatunayan na natin na ang mga POGO, bagamat may permiso ng pamahalaan ay mga sindikatong kriminal na ang nagpapatakbo ay mga Intsik. Kidnap for ransom, on-line scam at pang-eespiya ang ginagawa ng mga iyan kapalit ng malaking kabayaran.
Mga IT experts ang nagtatrabaho riyan na kayang ma-hack ang mga on-line sites ng pamahalaan. Pati salaping nakadeposito sa mga banko ay kayang limasin ng mga computer experts.
Lubhang seryoso na ang problemang idinulot ng mga establisimyentong iyan sa pagpasok ng mga Chinese citizens na posibleng pumasok sa bansa para manakop.
Kung gayon ang kalakaran, bakit pinahihintulutan pa ang operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operations na ang nagbibigay ng permiso ay ang Philippine Amusement and Gaming Corporation?
Kung sino mang matataas na opisyal ang nagbukas ng pinto para mapasok tayo ng mga Intsik na iyan ang dapat panagutin. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi pa pinoproklamang illegal ang mga POGO. Dahil ba lubha nang malakas ang koneksyon sa pamahalaan at tayo ay kontrolado na?
Hindi rason ang malaking revenue na ipinapasok ng mga iyan sa kaban ng bansa. Kahit pa trilyong dollar ang kayang pinasok ng mga iyan, kung Ito’y sasalanta sa pambansang seguridad, dapat nang palayasin ang mga iyan.
Isang utos lang ni Presidente Marcos ay magagawa iyan. Iyan naman ay kung gugustuhin niya. PBBM, kilos na!
- Latest