Quezon City government handa na sa tag-ulan
MANILA, Philippines — Nakahanda na ang local government ng Quezon City sa pagpasok ng tag-ulan.
Ito ang sinabi ni QC Councilor Wency Lagumbay, chairperson ng Committee on Ways and Means sa QC Journalist Forum kaugnay ng preparasyon ng lokal na pamahalaan sa papasok na La Niña sa panahon ng tag ulan.
Sinabi ni Lagumbay na nakumpleto na ng lokal na pamahalaan ang paglilinis ng drainage upang maiwasan ang mga pagbaha sa tuwing umuulan.
Mayroon din anyang Rain Water Harvesting na ginagawa ang lokal na pamahalaan para makatulong sa pag-iipon ng tubig.
Hiningi rin niya ang pakikipagtulungan ng mamamayan na ugaliing huwag magtapon ng mga basura dahil magiging ugat ito ng pagbabara ng mga kanal tuwing umuulan. Sa pangunguna aniya ni QC Mayor Joy Belmonte ay patuloy ang kanilang pag- educate sa mga tao kung paano madisiplina sa pagtatapon ng kanilang mga basura, paano magtipid sa paggamit ng tubig.
- Latest